27 May 2009

do a "deebeedee" dum

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit datapwat malakas ang kampanya laban sa mga pirata eh patuloy pa rin ang paghatak nito sa takilya animo’y blockbuster na pelikula?!?

Ang tinuturong dahilan ng mga taga movie/music industry at OMB ay ang sambayanang Pilipino na tumatangkilik dito. Oo nga, it’s a given fact, na madaming simple at kawawang Juan Dela Cruz ang parokyano diyan sa Quiapo ng mga pirating deebeedee. Pero naiisip ba nila kung bakit? Simpleng sagot- kahirapan. Madaming Pinoy ang gustong maaliw ng kahit sa simpleng panonood ng sine at pakikinig ng musika. Pero kung sadyang napakamahal ng presyo ng sine na naglalaro sa 150-190/sine at mga music cd na 175-275/cd. Ipagkakait ba naman natin ito sa isang pobreng Juan Dela Cruz? Eh sa tinggin nyo ba kaya nila bumili ng ganitong kamahal na mga libangan. Ang dapat sa gobyerno ay gumawa ng paraan na maipa baba ang mga presyo ng sine at cd na kayang tangkilikin ng lahat ng lebel ng mamamayan.

Pero ang kinagugulat ko lamang ay noong nagpunta ako sa Quiapo ay isang police patrol ang sumambulat sa aking mga mata. Take note, hindi ito raid ha, pwamis! Pero nanduon lamang ang mga matutulis na pulis at nagbabantay at tila may hinihintay na grasya mula sa mga pirata. At duon ko nga nakita na isang supot na itim na puno ng deebeedee ang inabot kay mamang pulis at nde ko na alam ang sumunod pa...

So, paano na natin matitigil ang ganitong sistema?!? Ma at Pa.

Hindi ko sinasabing tama ang gawain ng mga pirating ito at hindi ko rin ito pino-promote. Ang sa akin lamang, tignan mabuti ang sitwasyon at huwag sisihin lahat sa mga parokyano nito. Tignan ang mga korupt na pulis na malakas ang tong at ang mga tauhan rin ng gobyernong tila malakas ang proteksyon sa mga pirating ito. Sadyang malala na talaga ang problemang ito ng mga pamimirata. Ewan ko kung anong klaseng himala ang dapat maganap, masugpo lamang ang kanser sa lipunan na ito. Pero for now… punta muna ko kay manong deebeedee… Joke lang po.
---atribi

25 May 2009

xmen

Kahapon habang napakatindi ng init ng hapon, tumunog ang aking luray-luray na celfone. Nakakatuwa ang mensaheng aking natanggap galing sa isang payasong kaibigan.

“Hirit ng bitter na ex… so, what kung may chemistry kayo!...
Bukod sa may history tayo eh
I know your anatomy!” Asteeg….


Napahagikgik ako. Aba, trulala! Paano mo nga naman ba makakalimutan ang mga xmen ng buhay mo gayong parte na sila ng iyong nakaraan. Sabi nga nila hindi ka makakarating sa iyong paroroonan kung hindi ka marunong lumingon sa iyong pinanggalingan. Tumpak! Kaya ako’y lilingon lamang at hindi na babalik. Lingon lang naman diba…

Kaya ako’y napaisip kung sinu-sino ang nagging xmen ng aking nakaraang buhay kabataan… Cno ba si Cyclops, Wolverine at Professor X ng nakaraan? At bakit silang karakter ang naisip ko? Kasi sila lang ang kilala ko! hahaha

Sino ba ang pwede nating tawaging Cylops?! Ito ang mga xmen na nagbigay ng matinding liwanag na makukuha ka lamang sa isang tinggin. Tila parang nanlilisik na mga mata na parang apoy na masarap paglaruan. Masarap ang bawal sabi nga nila. Ngunit darating ang araw na ika’y masisilaw rin sa kanyang mapangahas na mga tinggin at apoy--- mapapaso ang mapaglaro mong puso at mamamatay.

Eh paano naman ang mga Wolverine?! Ito naman ay ang tipong kahit masugatan ay dali daling humihilom agad. Kaya naman kahit anumang sakit o sarap na iyong maramdaman ay paulit-ulit mo pa rin itong babalikan kasi nga masokista ka este kasi nga bilib ka sa mga super powers nya at charisma nya. Pero kaya mo bang tiisin ang mga matatalim niyang kuko na unti-unting dinudurog ang iyong puso!

Ang huli ay ang Professor X—ang mastermind mentor. Siya ang nagturo sayo ng lahat lahat. Siya ang nagbigay sayo ng matitinding leksyon sa buhay buhay mo. Nagbigay ng knowledge, skills and attitude ika nga nila. Maaaring siya ang una o huli mo… maari rin naman na hinde. Pero kung pang ilan man xia sa listahan mo eh siya ang pinaka sa pinaka sa lahat. Kasi nga sa kanya ka nakaasam ng langit at impiyerno! Tsuk!
Kaya ikaw sino ang xmen ng buhay mo?!?
Kasi ako Justice League ang gusto ko eh. bwahahahaha

---atribi

23 May 2009

hay na KHO!

Halos isang taon na ng lumabas ang isyu na mayroong sex video scandal ang mga hot seat sa news ngayon ngunit noong makalawa lamang talaga ito nilabas sa madlang people. Kaya naman ang mga chismax na sangkatauhan ay nagkagulo at wari'y nagpanic sa talamak na isyu ng mga sex scandals. Siguro mas naging interesante lamang ito at naging bigtime sa takilya ng news ay sapagkat mga local celebrity ang mga tauhan dito. Ika nga nila ang hayup at makamundong "hayden(hidden) cam" sex scandal.

Sa totoo lang, dapat talagang isulong na tanggalan ng lisensya iyang si Kho. Sapagkat ultimo ang alma mater nya ay kinasusuklaman siya at matagal na siyang “disowned”. Siya’y isang malaking kahihiyan sa medical profession. Sabi nga ng isang miyembro ng PMA sa isang panayam sa radio, hinde naman talaga daw nila kinokonsidera na kapitag-pitagan na doctor yang si Kho. Ngunit dahil nga naman daw ginagamit niya ang pangalan ng doctor at pasado bilang doctor ay parte sila ng isang propesyong kanyang dinudungisan. Kaya una sa lahat na dapat kumilos ay ang PMA at PRC sa pag tinggin kung talagang nilagbag nito ang code of ethics ng isang propesyon. Pero sabi-sabi ng ilang matatalim ang dila, tila may malakas na kapit na elemento itong si Kho. Pero ewan ko lang ngayon kung malagpasan niya ang bagsik ng Gabriela at ang Senado sa pangunguna ng nangigilaiting si Revilla kabilang na rin ang NBI/DOJ. Aynakupow!

Madaming anggulo ang tinitignan kung sino, saan at kung paano nakalabas ang ganitong video sa madlang people. Meron nagsasabing kapamilya mismo ni Belo ang naglabas dahil galit ito kay Hayden. Meron naman ang isyu ng fraternity wars na kinasasangkutan ni Hayden. Meron rin naman na mismong ang baluktot na utak ni Hayden daw ang pumayag na ipakalat ito. Napakadaming chismax ang pwedeng ikabit dito. Ngunit isa lamang talaga ang isyu dito--- ang paglalapastangan sa karapatang “privacy” ng isang tao particular na ng isang kawawa at walang kalaban-labang babae.

Ang sa kin lamang, madaming tao ang naapektuhan dito, lalo na ang mga kababaihang walang malay na nababoy ng isang walang puso at may sakit sa utak na tao o mga taong nagpakalat ng nasabing video.

Alam kong napasensitibong isyu ito. At wala ako sa lugar para manturo kung sino ang may kasalanan sa mga ganitong bagay-bagay. Ngunit isa lamang ang leksyon na pwede nating makuha mula rito. (Bukod sa mga makamundong gawin nila. Hehehe… joke lang po)

Ito ang aking natutunan….

Bilang isang Eba sa makamundong Adan na ating kinabibilangan, dapat tayong maging mapagmatyag sa ating mga kilos, gawa at kung anek-anek pa. Huwag gumawa ng isang bagay na balang araw ay ating pagsisisihan. Huwag rin magtiwala ng lubos sa mga taong hindi natin lubos kilala at baka tayo’y malinlang lamang sa bandang huli. At higit sa lahat, isa isip at maging sa puso palagi ang ating karapatang pantao at lalong-lalo na ang ating dignidad bilang kababaihan.

Nawa’y ang mga ganitong publicized and sensational news ay maging leksyon sa maraming Pinay sa ating mundong ginagalawan.
---atribi

21 May 2009

"my -o- mah"

"Nakilala kita halos 2 taon na, maliit ka pa noon. Cute pa! Sadyang pinagtagpo tayo ng mapaglarong pagkakataon. Noong una kitang nakita, ako’y nagulat at napatinggin lamang at nagsambit ng maikling dasal kay Bro. Sabi nila hindi naman daw natin kailangan magkahiwalay sapagkat nde ka naman abala sa aking buhay. Kaya naman pinabayaan lamang kita diyan sa isang tabi. Pinagmasdan at hinayaan na lumaki ng unti-unti.

Hanggang noong mga nakalipas na buwan, tila ako’y iyong sinasaktan at unti unting pinahihirapan. Tinatakot mo rin ako na baka isang araw ay makita ko na lamang na duguan kong bahay bata. Napakasakit at nakakatakot. Bakit mo ko pinagtaksilan?!?

Humingi ako ng tulong at ang konklusyon ay hahantong sa ating paghihiwalay. Ngayon talagang kailangan na nating maghiwalay, habambuhay. Kasi malaki ka na daw at baka maging sagabal sa aking kapalaran bilang isang ina.

Sampung araw mula ngayon, tayong dalawa sabay na magpapaalam sa isa’t isa. Ikaw na makakaranas ng talim ng instrumento at ako nama’y kakapit sa lakas ng loob at tiwala sa aking mangagamot. Matapos nun, tayo’y magkikita muli pero ikaw ay wala na sa aking sinapupunan sapagkat ikaw ay pumanaw na sa loob ng bote ng medisina
. Paalam sayo!"

(ito ay si mayora kausap ang kanyang myoma bwahahaha)
---atribi

20 May 2009

oi, oi, oil...

Kahapon napanuod ko sa balita ang isang mamang naka floral polo at naghihimutok na wari animo’y Diyos ng kalawakan ng kapaligiran. Lumalaki ang butas ng kanyang ilong habang nagpapaliwanag at galit na galit na hinahamon ang alkalde ng Maynila na ipasara na ang mga oil depot diyan sa Pandacan na sumisira sa Ilog Pasig. Matapos nito, na interbyu ang isang bise alkalde ng lungsod na laking Tondo, at sinabi niyang maging totoo ang mamang naka polo at huwag magmagaling sa pwesto!

Palakpak para sa mamang actor na galing Tondo. Talaga naman ang kapal naman ng mukha niyang si mamang floral polo at maghugas kamay pa. Gayong napakatagal niya sa Maynila bilang mayor at hindi niya napatanggal ang mga oil depot jan sa Pandacan. Ngayong porke kawani na siya ng kalikasan ay kala mo kung sino siyang “diyos” na malinis. Eh di kung totoong concerned government figure siya sa Inang Kalikasan at sa paglilinis at pagsalba ng Ilog Pasig, ay nungka pa, ay pinatanggal na niya ang mga gahiganteng oil depot diyan sa Pandacan noong siya pa any napakatagal na nakaupo bilang akalde ng Maynila! Di ba?!?

Heto lang ha! Sumagi ba sa isipan ninyo lalo na ng mga Manileno kung bakit naubos ang mga hayop diyan sa Manila Zoo noong panahon pa ni mamang floral polo?!? Aba’y teka, pumunta kaya tayo at duon mag field trip sa bahay ni Kuya matanglawin at duon mo malalaman kung bakit wala ng laman ang dati’y napakasiglang Manila Zoo. Ito ang halimbawa ng sadyang nilamon ng korupsyon at maduming bulok na sistema ng gobyerno!

Ang sa akin lamang, wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa. Dahil sa totoo lang, sa panahon ni mamang floral at sa panahon ngayon ni dirty harry ay wala pa naman akong nakikitang asenso sa Maynila.

Ang sadyang kinakukulo lamang ng aking dugo’t apdo ay ang mga pamumulitika ng mga pisting yawang mga pulitiko na ito! Amp! Tama na baka lumabas pa ang pagiging atribi ko! Bow…
---atribi

17 May 2009

mismo!


Naintriga ako sa commercial ng “Ako Mismo” lalo na’t napakaraming sikat na artista at personalidad ang kasali sa adbokasiyang ito. At natuwa ako sa dog tag nila. Kaya naman nag log in ako sa kanilang website. At nagbabakasakaling makakakuha ako ng libreng necklace na iyon. hehehe
Ito ang tumambad sa akin…

“Ako mismo (ano ang gagawin mo) (submit)…”


Bigla ako napatigil. Kung tutuusin, napakasimpleng tanong lamang nito. Napakamot ako. Sinabi ko sa sarili ko, asan na yun libreng dog tag. Kailangan ko ba sagutin ito. Hmm, napa isip tuloy ako kahit wala akong isip. Tapos nahirapan ako sagutin. Kaya naman ako’y nandaya at sumilip sa mga sinagot ng ibang kapwa Pinoy natin. Ilan sa mga sagot ay halos magkakaparehas lamang ng ideya, iba’t ibang paraan lamang ng pagkakalahad ng kanilang nais mangyari. May English at Tagalog version. Pagandaan ng palabok na salita. Naku, inay ko po! Pagalingan ata sa QnA ito ha, talo na ko dito. Hehehe. Sinarado ko na ang webpage. Sayang yun dog chain ha, yun pla nde naman pla pinamimigay iyon. Sbi pa nga sa balita, gagamitin daw iyon sa kampanya sa eleksyon. Aba, MA at PA! toinks!

Pero bigla ako may napagtanto…Minsan iniisip ko na madami tayong pwedeng gawin para sa ating Bayang Pinas upang mai-ahon natin ito sa pagkakalubog sa kahirapan. Minsan rin naman kung tinatamaan ako ng pagiging pasaway, ay nakikibit balikat laman ako sa mga usaping bayan. Ngunit subalit datapwat, anuman ang mangyari ay nand2 ka sa pilipinas at Pinoy ka na dapat makialam. At saka sabi pa nga nila, “u can do so little”. Pero sa tinggin ko, wala sa liit or laki ng “social duty” natin bilang Pinoy iyon. Ang pinakamahalaga ay kung kikilos ka in your own little way para makatulong sa pag asenso or pag ginhawa ng iyong buhay o buhay man ng iyong kapwa.

Kaya naman 1 taon mula ngayon magkakaroon na naman ng bagong kabanata sa pahina na ating kasaysayan. Dahil sa darating na 2010, maghahalal na naman tyo ng panggulo este pangulo ng Republika ng Pinas. Para sa marami isa itong oportunidad na bumoto at gawin ang kanilang social responsibilidad sa ating naghihinggalong Inang bayang Pilipinas. Para rin naman sa iba, ito’y isang malaking kahibangan at kalokohan lamang sapagkat hindi na sila umaasa pa sa ating gobyerno, maging sino man ang nakaluklok. Ngunit ang inyong likod, kahit na nde naniniwala sa bulok na sistema ng ating gobyerno, kahit na wala pa ko napipisil na karapat-dapat sa mga posisyon sa gobyerno, kahit na puro trapo sa sistemang bulok at kahit na kakarampot na lang ang pag-asa sa Pinas ay boboto pa rin. At vaket ka mo?! Sapagkat ito ay isang karapatang dapat natin gawin bilang isang tunay na Pinoy. Sabi nga nila, 1 vote matters. Boto mo ay mahalaga, maniwala ka man o hinde. Kahit papaano, kahit sa mumunting paraan na ito napapakita natin ang ating pagmamalasakit sa ating bayang sinilangan.

Kaya nga ikaw mismo… ako mismo… tyo mismo… ano ang gagawin mo para sa Inang Bayan
Ahem. Ahem. Excuse me po, nagtatanong lamang! hehehe

---atribi

15 May 2009

aizusmaryosep

“taena, amp. buntis xia! talaga naman gus2 nya jakpot sa lotto!”

Bakit may ibang taong talangka, parasite, linta at kung anumang hayop ang pwde mong itawag?! May mga taong sadyang likas na demonyo! Mga taong bigla na lamang papasok sa payapa mong buhay at guguluhin ito. May mga tao rin na sadyang mapansamantala ng mga kabaitan or katangahan ng isa pang tao, sitwasyon at pangyayari. May mga taong sadyang mababa ang lipad, walang pinag aralan at kasuka-sukang pagkatao na kahit anong gawin mong pag unawa ay sadyang napakahirap.

May mga taong sadyang gagawin ang lahat makahawak lang ng limpak- limpak na salapi, makahiga sa aircon na kwarto sa loob ng magandang bahay sa isang exclusive village, kumain ng masasarap na halos labis sa tatlong beses kada araw, magkaroon ng lupain at feeling haciendera, sumakay sa isang magara at bagong sasakyan, at kung anu-ano pang kaluhuan at kayamanan ng mundong sakim. Palibhasa lumaki sa sadlak, walang pinag aralan, walang modo, at kumapit sa patalim. Kahit anu pa ang isuot nya na damit, pumormang mayaman sa loob ng village habang nilalakad ang asong kalye na feeling niya chowchow, maglagay ng mga pampakinis sa mukha, at kung anuman! Susmaryosep, buti pa ang mga aso, may breeding, eh xia ano?!?

Hindi talaga mawari ng aming isipan at damdamin na may pagmamahal na nagaganap sa kanilang relasyon gayong nag umpisa ito sa mali at ng dahil lamang sa salapi. Pilit naming nilalawakan ang aming pag unawa ngunit sadyang hinde mo makitaan ng sinseridad sa kanyang pagkatao. Isang doble kara persona! Isang certified 101% all original parts of an Orocan manufactured alien! Ang pera nga naman, madalas ang nagiging ugat ng lahat-lahat sa mundo. Para sa mga taong walang puso at konsensya, gagawin ang lahat para lang kumapit sa taong sa tinggin nila ay mag aahon sa kanilang kahirapan. Pootah. Pohkpohk. Babaeng mababa ang lipad. Kung anuman ang itawag mo sa kanya. Yun at yun rin iyon. Manggagamit, kaladkarin, ano p bang pwede mong gamiting salita sa isang nilalang na sadyang napakaitim ng budhi!!! Isang alakad ni Ka Taning na sadyang nilamon na ng kasamaan. Ngunit, subalit, datapwa’t, bali-baliktarin mo man ang mundong ating ginagalawan, siya pa rin ang taong nagdadala ng magiging kadugo mo balang araw, sa ayaw mo man o gusto. Magkakaroon na kayo ng isang koneksyong pang habambuhay…

Mahirap talagang magpalaki ng magulang! Akala nila sila ang nahihirapan sa kanilang mga anak. Ngunit sa ibang sitwasyon, madalas mas mahirap magpalaki ng magulang. Sabi nya dati sa amin noong nag uumpisa pa lamang sila, wag daw xia pakialaman sa kanyang buhay. Lalo na ngayo’t malalaki na rin kami at may kanya-kanyang pamilya na rin daw. Binaloto namin iyon. Respeto at pag unawa ang tawag duon. Ngunit pwede ba iyon?! Natural hinde. Kaya kami ay tahimik na nagmatyag ng puno ng mahabang pisi ng pasencia biskwit at isang gallon ng understanding. Kahit anuman ang mga nangyari noong nakaraan, kahit ganyan man xia, sya pa rin ang aming magulang. Baligtad ata ang kasabihan sa aming kapamilya, “kung ang magulang kayang tiisin ang anak, walang anak ang kayang tiisin ang magulang.” Ganyan sa aming sitwasyon. Hay buhay nga naman! Mapaglaro. Naunahan pa kami gumawa ng supling ni biyenan! Amp! Pasaway! WTF!

Palagi na lamang kaming nagdadasal na sana’y makuha rin nya ang kapayapaan ng loob at tunay na kaligayahan. Pero mukhang kulang ang mga novena namin sa iba’t ibang santo. Dahil siguro mas malakas ang ginamit na blak magik ni damuhong bruha. Pero mas nanaig pa rin na bka naman siguro ito ang guhit ng palad nya. At nde kami nagsasawang tumawag kay Bro ng isang malaking Help! Saklolo Bro, pleeaassee!!!

Ngunit sa ngayon napakahirap tanggapin ng aming nag uumapaw na emosyones de kasuy ang mga nangyayari sa buhay nya. Balang araw cgru, darating din ang pagpapatawad at pag unawa. Pero kelan? Malamang nde pa talaga sa ngayon!

PS. ayan lumabas ang pagiging atribi ko! Pag paumanhin po! Dala lamang ng matinding BUGSO NG DAMDAMIN na parang utot na kailangang ilabas kundi magiging ipot! PASENSYA na po, kalawakan.
---atribi

14 May 2009

time warp

“Hahanap ako ng time machine!” may isang tao na nagsabi nyan sa akin. Naisip ko tuloy kung may time machine sa tabi ko ngayon saan kaya magandang maglakbay sa nakaraan. Magandang paglaruan ang inyong imahenasyon sa mga ganitong ideya, lalo na kung wala kang magawa sa buhay.

Kaya ako’y naaliw at naglaro sa aking baliw na isipan kung san ako pupunta…Nakaisip ako ng tatlong panahon kung san ako mag time warp. Ito ang mga taong 1987, 1999 at 2003.

1987- Baka sakaling pwede kong balikan ang aking inosenteng pagkabata kung saan masaya at buo pa ang aking pamilya. Naririnig ko si papa na kumakanta at nakikita ko si mama na naglilinis ng mumunti naming bahay. Sabay-sabay kaming kakain ng hapunan. Puno ng tawanan at kwentuhan Puro ngiti, walang luha. Puro saya, walang pasakit. Isang larawan ng buo, kumpleto at masayang tahanan. Si papa, si mama, ako na ate at si bunso. Kami lang, wala ng iba. Kami lang walang ibang eeksena. Kami na buong pamilya. Dun ko i-frefreeze ang scene sa time machine ko. Dun lang at wala ng ibang scene na kasunod. Mas magandang maiwan sa mga alaala ko ang litratong iyon na buo ang aking pamilya. Mas masarap balikan ang nakaraan ng masaya at nde puno ng pighati at kalungkutan. Warp!

1999- Ito ang panahon na una kong naranasan ang salitang “love”. Sa dinami-rami ng “past love/relationships” ko, dito ko nais bumalik. At bakit naman?! Natural dahil dito nagsimula ang lahat. Ito ang nagbukas sa aking mundo. Ayan, nakikita ko na xia nakatambay sa tinoko park, nag aantay sa akin tuwing umaga, may dalang mcdo o jolibee breakfast meal. Kwentuhan, mag aaral, tawanan at ka sweetan. Isang larawan ng unang bugso ng pag-ibig. Mga bata pa kami at may gatas sa labi, na animo’y walang pakialam sa mundong nakapaligid sa kanila. Tapos biglang may malakas na bagyo, nasira ang napakagandang samahan. Basag na basag na mga puso. Puno na ng luha at pighati. Madami rin na tissue ang naubos at marami na rin ang mga masasamang salita ang nasabi. Napakaraming pasakit. Sunod, sunod, sunod. Parang walang katapusan. Napakasakit, kuya eddie! (ika nga nila) Freeze! Diyan ko ititigil ang warp ko. Kz gusto ko ulit mapagdaanan lahat lahat ng iyon na ukol sa mga relasyon. Madami ako natutunan dun, kya naman go ako na mag time warp dun sa mga panahon na iyon. Sapagkat kundi dahil dun, nde ko mararating ang panahong 2003 na susunod kong gustong balikan. Warp!

2003- Nadapa, nadulas, sumadsad. Lugmok sa kahayupan at pasakit ng mundong ito. Tapos biglang may dumating. Ayun xia, nakatayo lng na parang tanga at walang sinabi na lalaki. Mukhang lolokohin lang ako nito, yun ang una kong impression sa kanya. Isa na namn ito sa napakaraming kalokohan sa isyung puso. Kya nagdasal ako kay Bro. nung mga panahon na iyon sbi ko, “Lord, bka joke time na naman ito ha. Gimme me a sign kung xia na nga and go go go ako!” Tpos parang bigla nlng akong binatukan ni Bro. At tinignan ko ulit yun lalaki: "simple lng, payat, mukhang drug adik at manyak, mukhang wala akong future dito, short jowa lng ito cgru" Ayan ang mga tumatakbo sa isip ko. Pero may bumubulong sa akin na iba eh at parang may magnet. Parang dinidikdik sa utak ko, “Subukan mo lng, malay mo, this is the one.” Kaya ayun, ang puso ko sumabak na naman sa giyera-patani ng pag ibig. Sbi ko dati try ko lang ibigay ¼ ng luv ko, tapos aba nagging ½ na, tapos one whole na, tapos sobra pa… sbi ko kay Bro, “Promising ito ha. Dis is it na b, Lord?!”. Tpos, ayun…Parang anghel na binaba ni Lord d2 sa Earth at inutusan na isalba ko sa aking pagkalubog. Parang answered prayer!!! Naks. Isang nilalang na handang magmahal at handang tanggapin ako, kung sino man ako.. buong-buo, walang labis walang kulang. Ako mismo. Hinawakan nun lalaki ang kamay ko matapos kong magkamali at sinabing, “mahal kita at walang iwanan.”
BOOM! ang bilis ng takbo ng time machine. Nde ko na maihinto. 2003.2004.2005.2006.2007.2008…. hanggang sumabog na…
Kya hanggang ngayon nde nga nya ko iniwan at iiwan… noon, ngayon at magpakailanman. Aww, ang sweeeetttt! hehehe

Sbi nga nila, past is past. Mga figments of old memories na lng ang past. Ang meron ka ay ngayon. kahit na may mga taong madaming wat ifs… normal lng naman iyon db, normal lng na may mga bagay-bagay at pangyayari sa buhay natin, na tyo ay naghihinayang at pinagsisisihan. Pero kaht sbhin man nila na “kng maibabalik ko lng”… pero nde mo na nga maibabalik diba?! Kya it will all remain in d past… past na nagbigay sayo ng mga magaganda at pangit na alaala na xiang nagbigay sayo ng mga mahahalagang leksyon sa buhay.

Mas magiging bonggang bongga ang life mo ngayon kung natuto ka sa iyong nakaraan. At ang mga nakaraan na iyon ang nagdala sayo sa estado ng buhay mo ngayon at sa bukas man. Bow.

Pero, again, for fun…
Kayo san kayo pupunta kung may time machine kyo?!? hehehe
---atribi

2b or tutubi?!?

“ di ba nurse ka? “ oo, bkit?” eh bkit nand2 ka pa pinas?” “wla lng.” so, san k wrk ngyon?” wla lng rin.”

Ayan na nga ba ang sinasabi ko… palagi na lang ganyan ang mga conversation sa buhay buhay. Minsan iniisip ko napakarami talagang pakialamerang tao sa earth. Pero madalas kung minsan naiisip ko na siguro concern lang silla sa akin lalo na kung mismong sa bibig ng pamilya ko na nanggagaling ang mga salitang iyan.

“yoko na mag nurse! “ at bakit namn? Yoko lng muna.. ano ka ba, dmi nga nagpapakamatay maging nurse lng no. Eh sila yun… eh bkt ikaw? Yoko pa mamatay no! hehehe

Ang gulo talaga ng isipan ko kung minsan… ay hindi pala, madalas magulo ang isip ko lalo na kung ang pangunahing topic of diskusyones ay ang aking buhay karera.
Uy, teka baka isipin nyo isa kong malaking damuho na dakilang tambay simula’t sapul. Hindi naman po. FYI, naranasan ko na rin namang kumita ng pera, maliit at malaki man, pesos at dolyar na rin naman. Naging kasama na rin naman ako sa statistics ng mga pinoy na employed taong 2003-2005 at naging ulirang OFW taong 2005-2006 rin naman. Kaya kahit paano ay naranasan ko na ang buhay propesyonal (daw). Ngunit sa kasalukuyan, mas pinili ko at ng pagkakataon na rin naman na maging dakilang unemployed at hauswife muna sa loob ng mahigit 2 taon lang naman (ehehe). At bakit naman kaya? Aba malay ko…

Kring.kring. Hello ma, natangap mo na b yun pinadala ko sa banko? Oo, kulang pa nga kz ang baba ng dollar ngyon. Ay ganun b, cge magpapadala nlng uli ako. (sbay tingin sa wallet kong wala na ni isang singkong duling) patay kang bata ka! tsktsk

Wala naman akong pinagsisisihan sa mga nagging desisyong pang karera ko. Ang sa katunayan nyan, lahat ng mga nangyari at nangyayari sa aking buhay propesyunal ay aking pinagpapasalamat kay Lord. At bakit? natural, ako’y natuto sa mga buhay2 at lalong napapalapit sa kanya… simple lang naman yun di ba…

Bby, kaw na muna mag aply sa abroad. Bkt namn po? Mailap ata ang swerte ko ngayon eh. Ano ka ba, kala mo lng yun… kala ko lng ba? Eh ikaw ano akala mo? Maling akala… hehehe.. gulo mo bby…”

Kaya ngayon ito ako at nagpapaka dalubhasa sa pag bla-blog, past time ika nga nila. Minsan iniisip ko maging writer na lang o kaya mag aral ng baking at magtayo ng bakeshop, o kaya ibenta na lang ang lahat ng lupain (echos) para may datung. Minsan iniisip ko rin naman na maghanap ng ibang trabaho maliban sa pagiging nars, lalo na ang hirap makabalik sa mga hospitals ngayon at mas lalo mahirap lumabas ng bansa ngayon. Hayz. Ang daming yumayaya na magturo ako at maging clinical instructor (ganda sa tenga no) o dili kaya’y humarap sa computer, magsalita ng inglish na may twang sa headset at maging colgrl (hhm, pwede laki rin sahod at petiks2 lang pero yoko nga – no offense), o kaya naman mag volunteer nurse na lang muna (pwede rin kng ganun ako kadakilang pinoy, pero nde eh). pero ang malaking katanungan na nanaiig sa akin ay hindi ang laki ng sweldo o benepisyo o ang klase ng trabaho kundi ang tanong na --- magiging maligaya ba ako doon?!

Ika nga ni fafa piolo ko, I want to be… complete. Actually, complete naman ako… ala kulang sa katawan, sa pag iisip lang siguro meron. Hehehe.. complete rin ang pamilya ko, complete na rin ang puso ko. Siguro lang nde pa ko complete sa puntong karera sa ngayon… hindi pa iyun binabalato ni Lord. Sbi nga nila you cant have everything in just a snap! pero minsan nasasagi sa isipan ko na baka ito naman siguro ang plano ni Lord sa ngayon sa akin… hay life nga naman… kaya ikampay at sabihin… 2b or tutubi!
---atribi