30 June 2009

"hu-wedin"

Hunyo na naman panahon ng mga kasalan. Pero mayroon akong nabasa nagsasaad ng isang survey: 44.9% civil ceremony versus 37.1% church wedding. Iyan daw ang statistic ng mga Pinoy na nagpapakasal sa huwes at simbahan. Bakit nga ba ganito na ang nagiging “trend” ng mga taong nais magpasakal este kasal. Madaming factor ang pwede nating tingan dito. Marahil ang unang una dahilan na ibibigay sayo ay pang pinansyal na rason. Hindi rin naman kasi biro ang magpakasal sa simbahan. Kahit sabihin mo na pinaka simple pa ang gusto mo ay gagastos ka sa panahon ngayon na hindi bababa sa isang daang libong piso ikumpara mo nga naman sa halos limang daang piso sa huwes. Pati pa meron rin mga libreng kasalan sa ibang mga munisipyo. Bakit kaya ang simbahang Katolika hindi magkaroon ng mga libreng mass weddings? Meron man ay bilang lamang.

Sino ba naman ang ayaw lumakad at humarap sa altar kasama ang iyong sinisinta. Lahat naman ata ng kababaihan ay ito ang pangarap. Ngunit sa panahong taghirap at praktikal? Saan ka kakapit diba? Mas pipiliin mo ba na magsama na lamang or may legalidad man lang? Sabi nila nde daw pinagpapala ang samahang hindi nabasbasan ng simbahan. Pero para sa akin, hindi pagpapalain ang samahang walang pagmamahalan at tiwala sa isa’t-isa at nde sentro si Bro ng kanilang buhay.

Napaisip lang tuloy ako, ano ba ang mas mahalaga--- ang salitang “wedding” o “marriage”?!? Kayo, ano sa tinggin nyo? (nagtatanong lamang)
---atribi

12 June 2009

"raysist"

Sabi nila masama daw maging racist o yun maging mapanghusga sa ibang lahi. Pero minsan hindi rin natin mapipigil na maging mapangkutya sa ibang kultura. Sa totoo lang, ako mismo guilty dito lalo na noong nagging isang ofw ako sa desyerto. Madami ka talagang makikitang mali o hindi tama sa ibang tao or sadyang laetera ako! Hahahaha

Tayo kasing mga Pinoy, may mga kinalakihan na rin na mga “racist side comments”. Tulad ng pagtawag sa mga Chinese na “Instik”. Na kung saan hindi nila ito gusto. Sabi ng isang kaibigan, “politically incorrect” daw iyon. Isa pang halimbawa ang pagtakot sa mga bata na kukunin sila ng Bumbay kapag hindi tumahimik at mga kung anu-ano pang mga katatawanan na pwedeng i-ugnay sa kanilang lahi. At masyado pang madaming halibawa na kung tutuusin ay mismong tayong mga Pinoy ay meron rin “racist comments”.

Ngunit subalit datapwat, wag ka…pag tayo na ang tinitira o kinanti ay nangigilaiti na tayo sa galit! Kasi madalas kung minsan sabi nga nila “truth hurts.” Pero naniniwala ako na hindi lahat ng racial slur ay sataire o komedya in nature. Minsan rin talaga madami rin ang offensive foul na tinatapon sa ating lahing Pinoy. Yung iba pa nga pwedeng tawagan ni referee ng technical foul! Pero anuman ang maging racist comment sa ating dakilang lahing Pinoy, totoo man o hindi, ang ating tignan mismo ay ang ating mga sarili. Pagandahin at paunlarin natin ang ating lahi para kahit anumang ibato sa ating ng mga ibang lahi na iyan ay lahat tayo pwedeng isigaw na “Proud Pinoy ako, ngayon, bukas at magpakailanman” (naks)
Happy Independence Day, mga katoto! Mabuhay ang Lahing Pinoy! (bow)
--atribi

10 June 2009

anak ng tipaklong!

Kaninang umaga habang papunta ko sa ospital para magpa check up at tinatahak ang kahabaan ng Ortigas Avenue ay ito ang sumambulat sa akin:


Isang puti at mahabang coupon bond na mainit init pa halatang galing sa Xerox machine ang pinamimigay ng isang batang lalaking paslit na halata naming napag utusan lamang ng kung sinong Poncio Pilato diyan.

Sino naman kaya ang may utak ng mga ganitong churvaness. Malay ko! Basta ang alam ko sadyang nakakapang init ito ng ulo sa umagang dapat ay kay ganda!

Nag aksaya ng papel at malamang ay nagtapon ng pondo ng gobyerno ang may pakana nito. Kung mababasa mo ito, sa una, matutuwa ka sapagkat nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa matinding AH1N1 virus na kumakalat na rin dito sa Pinas. Masasabi mong very informative. Pero subalit, datapwat, sa huli sumundot na isang matinding hirit na tila masasambit mo na lamang ay “AMP!” Sa totoo lang, pasikot sikot pa ang mga sinabi at wari’y ginagawa pa tayong tanga sa gusto nilang ipahiwatig. At ang bottom line lang pala, at sa bottom nga siya nakasulat, ay ang huwag pagdalo sa CON ASS rally sa Makati ngayon! Tinakot pa ang mga tao sa paggamit ng isyu ng isang makamandag na virus. Na kung tutuusin ay mas makamandang pa ang mga ugali at sistema ng ating bulok na gobyerno na sadyang papatay sa isang Juan Dela Cruz.

Aysusme! Ke aga-aga ay ganitong klaseng bulok na pauso ang ipapamuka sayo ng mga p***g*** na mga hinayupak at baluktot na alagad ng mga demonyong pulitikong iyan… Anak ng libong tipaklong nga naman, san ba tayo pupulutin kung ganitong sistema ang umiiral sa ating gobyerno! Henaku, nakaka high blood talaga…
Yung lang...

---atribi

dats my dok, daw oh!

Bakit sadyang may mga doktor na bastos, hindi courteous at accommodating? Ilang beses na rin kasi ako nabibiktima ng mga ganitong klaseng mangagamot. Kaya nga tila ginagawa kong mall ang isang hospital o higit pa. Para ako nagsho-shopping ng mga doktor ng hindi lang magaling kundi mabuti, mabait, maayos kausap at higit sa lahat may puso. Yung tipo bang hindi lang mukhang cash ang tinggin sa iyo pagpasok mo sa kanila klinika. Yung tipong masasabi mo talagang aalagaan ka nila at makikinig sa mga hinaing at mga nararamdam mo. Kaya ka nga nagpunta ka sa kanila di ba?!

Naiintindihan ko rin naman ang mga doktor, dahil ako rin ay nasa medikal propesyones. Mahirap nga rin naman ang maging katulad nila. Sa haba-haba ng mga taon na kanilang ginugol sa pag aaral at sa mga dinami-rami rin ng kanilang mga responsibilidad. Kaya minsan, pilit ko na lamang iniintindi na baka naman madami sa kanila ay pagod na kaya nagmamadali.

Pero ang hindi ko lang matanggap ay yun ganitong eksena. Papasok ka sa loob ng klinika, nakasimangot o nde man lamang nagbibigay ng kahit katiting na oras o pansin sa iyo. Tapos, tinggin dito, tinggin jan. Swerte ka pa kung may pindot dito, pindot jan at least nag effort tumayo at tignan ang kung anuman ang iyong nirereklamo. Tapos lista sa reseta, tapos na! Lalabas ka ng klinik at masasabi mong, mas matagal pa ang pinila mo at hinintay sa kanya kesa ang pag konsulta sa loob ng kanyang klinika.

Kaya bilib talaga ko sa mga doktor na talagang may “patient care ethics”. Yung tipong mararamdaman mo na may compassion sila sa iyo at ikaw ay “in good hands”. Kaya nga ngayon, sa mga karamdaman ko sa kalusugan, ay swerteng naka shopping ako ng mga matitinong doktor na hindi lang henyo kundi may puso rin.

Kayo ba nakatagpo na kayo ng mga walang modong doktor na ganyan?! Hehehe… (excuse mo po…) Minsan naiisip ko na dapat ang mga klinika ng mga doktor ay may suggestion box para alam nila kung anong klaseng “public service” ang kanilang binibigay sa sangkatauhan di ba… After all, kesehodang private or public practice man sila, ay serbisyo pa rin sa tao ang kanilang binibigay.
--atribi

09 June 2009

"istar-istrak"

Bakit kaya tayong mga simpleng mamamayan, kapag nakakakita ng isang artista ay namamangha at tila nahihiya na lumapit?! Tayong mga Pinoy ay sadyang palaging “starstuck” sa mga showbiz personalities. Naalala ko tuloy ang isang malapit na kaibigan na minsang nagpakita sa amin ng kanyang mga koleksyon ng litrato kasama ang iba’t-ibang local artista. Nakakaaliw ang kanyang mga koleksyon na nagbibigay ligaya at ngiti sa kanya sa tuwing makikita ang mga ito. Noong nakalipas rin na 2 weeks, lumabas kami kasama ang isang family friend na celebrity. Nakakatuwa pagmasdan ang mga animo’y bubuyog na nahihiyang lumapit at makipag “picture picture”. Meron rin naming hindi mapakali at lumalayo na lamang at nakukuntento sa maikling sulyap.

Bakit nga ba ganito ang ating mga reaksyon sa tuwing makakasalamuha natin ang mga “showbiz personas” na mga iyan?!? Normal lang naman talaga ang mahiya, mawindang at maging starstruck kapag kaharap ang mga artista lalo na kung ito’y ating ini-idolo.

Pero siguro sa mga katulad ng inyong lingcod na mejo namulat ng maaga sa mundong “showbiz”, ay tila isang kibit balikat lamang ang mga ito sa akin. Para kasi sa akin, sila rin ay parang katulad natin. Karamihan sa kanila na wala pa sa utak ang kasikatan ay mga normal na tao rin na katulad natin. Mayaman, mahirap, masaya, malungkot etcetera etcetera. Mas mahirap pa ang kanilang buhay sapagkat ito ay “public property”.

Sabagay kanya-kanyang trip yan di ba?! Ikaw ba starstruck ka ba sa kanila?! (ahem, ako guilty d2 lalo na kung si fafa p or mga international celebs ang usapan.. hehehe)

Yun lng…
--atribi

04 June 2009

alta presyones

Ngayong lingo nakatakda dapat ang aming paghihiwalay ng isang kaibigan sa pamamagitan ng operasyones. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay tila mapupurnada muna sa ngayon ang aming separasyon at dahil iyan sa aking alta presyon!

Ako’y nababahala at mejo nawiwindang sapagakat wala pa akong trenta ay gadami na ng mga nararamdaman ko sa aking kalusugan. Pero madalas sumasagi sa isip ko na, mas masarap na matsugi ng natikman mo ang lahat ng bagay na masarap kahit bawal (iyan ang baluktot kong pag iisip, pasaway di ba?!). Oo nga masarap lumamon na parang wala kang pakialam kung may bukas pa. Lumamon ng mga mamantika, matataba, masesebo, maaalat, maanghang, ubod ng tamis at kung anu-ano pang pagkain na kinalakihan natin na sa ating isip ay masustansya yun pala ay hindi. Oo nga masarap ang nakahilata lamang at walang ehersisyo. Oo, masarap ang alak at yosi. Oo, lahat yan masarap. At lahat ng iyan ay akin ng nililibing sa past… Bakit?!

Susme, oo nga masarap ang lahat ng iyan. Pero mas masarap ang mabuhay--- masarap at kung buhay ka pa, di ba?! Kaya ito si mayora, nakatitig sa oatmeal na walang asukal, tubig at yoga mat. Sapagkat ito na ang aking present at future…

Mahirap man tanggapin pero paalam sa aking mga katoto (fried chicken, sisig, chicharon, pizza, cake at ice cream etc…tama na amp! Naglalaway na ko!) Kailangan labanan ang mga temptasyon na iyan! Hay life!

Dahil simula ngayon ito na ang aking diyeta para lumaban sa pesteng yawang alta presyon na iyan!
---atribi

03 June 2009

baha at traffic

"Pumapatak na naman ang ulan..." Henaku, tag ulan na naman!
Baha at traffic ang sasalubong sa isang Juan Dela Cruz sa Pinas pag pumapatak na naman ang ulan sa Kamaynilaan. At bakit nga ba kasi ganito na lamang palagi nangyayari?!

Halos 4 na oras kami napirme sa kahabaan ng EDSA noong weekend kaya naman ako’y napakamot at tumunganga na lamang habang pinagmamasdan ang baha at traffic na bumungad sa amin galing sa NLEX.

Ano bang ginagawa ng gobyerno natin upang bigyang solusyon ang talamak na problemang ito sa ating mga kalsada. Hindi na nila ito magawan ng permanenteng solusyon. Basura dito at doon ang mga bumabara sa mga drainage. Isa yan sa mga tinuturong salarin ng mga baha sa Kamaynilaan. Kabilang na rin dito ang mga dami ng sasakyan sa kalsada at mga re-routing schemes ng MMDA na sadyang nagdadagdag pa sa paglala ng trapiko sa Kamaynilaan. Nandiyan na rin ang hindi pagbibigyan sa batas trapiko ng mainitin at atat na Pinoy drayber. Sadya nga na madaming pwedeng ituro na ugat ng problemang ito. Ngunit, subalit, datapwat… ito ang aking pananaw…

Ang isang malaking tanong sa aking walang laman na utak ay-- Nasaan na ang mga pinagmamalaking proyekto ng gobyerno tulad ng relokasyon ng mga eskwater sa mga estero, declogging ng mga kalsada at mga kung anu-ano pang traffic schemes ng bayani ng MMDA na iyan ha…

Aba namam… Gising! Gising! Amp, tag ulan na naman hoy! Palagi na lamang bang baha at traffic! Yun lang. tsktsktsk
---atribi