28 April 2009

ako si ako

Ito ang blog ko!



Ito ang blog ni ATRIBIDANG MAYORA.



At bakit naman ganun ang aking pangalan?! Hindi ko rin mawari at matanto kung bakit bigla ko na lamang naisip na pagsamahin ang dalawang salita na iyan na wari’y naglalahad ng isa sa pinakamalupit ko na katangian bilang isang nilalang.

Ako si atribidang mayora sa mga mata ng mga taong nakapalibot sa akin.

Atribidang mayora sa aking dakilang asawa na walang kupas at walang sawang sumusuporta sa kanyang pasaway na asawa—noon, ngayon at kailanman.

Atribidang mayora sa aking mga kapamilya at kapuso sa aking tahanan dahil sa aking mga katarayan at kalakasan ng loob sa pagbubunyag ng aking mga damdaming pampamilya.

Atribidang mayora sa aking mga pinakamamahal na mga tunay at totoong kaibigan na tila sumusunod sa mga pinaplano at mga kalokohan ko dahil na rin sa aking malakas na boses at tila demanding na pagkatao. Bwahahaha

Atribidang mayora sa blogosphero sapagkat ito ang aking espasyo para isambulat sa demokratikong kalawakan ang aking mga damdamin, opinyon, puna at kung anu-ano pa sa mga paksang bagay-bagay na nangyayari sa pang araw-araw na buhay ni Juan Dela Cruz!

Kaya, ako si Atribidang Mayora…

Now open for your inconveniece. Always at the service of the Filipino people, kapuso at kapamilya! (if only the price is right?!)

Mabuhay at umasenso ka, Pinoy! (as if!)

Abangan ang susunod na kabanata…(kung ka abang-abang man)

---atribi




5 comments:

  1. punta kayo sa blog ko at may libreng pagkain! barttolina.blogspot.com
    salamat!

    ReplyDelete
  2. Bagong blog ah? atribidang mayora! welcome sa blogosperyo!

    ReplyDelete
  3. @bart tolina- tumambay na ako dun, naubusan ako ng libreng pagkain!

    @marlon- salamat sa pagbisita.. balik ka ulit ha!

    ReplyDelete
  4. wala lang. natripan ko lang magbasa ng mga unang post.

    maligayang pagsilang sa blog mo!

    ReplyDelete
  5. @stupidient- slamat po sa pag welkum sa inyong lingkod. dalaw ka plagi ha...

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito