14 May 2009

2b or tutubi?!?

“ di ba nurse ka? “ oo, bkit?” eh bkit nand2 ka pa pinas?” “wla lng.” so, san k wrk ngyon?” wla lng rin.”

Ayan na nga ba ang sinasabi ko… palagi na lang ganyan ang mga conversation sa buhay buhay. Minsan iniisip ko napakarami talagang pakialamerang tao sa earth. Pero madalas kung minsan naiisip ko na siguro concern lang silla sa akin lalo na kung mismong sa bibig ng pamilya ko na nanggagaling ang mga salitang iyan.

“yoko na mag nurse! “ at bakit namn? Yoko lng muna.. ano ka ba, dmi nga nagpapakamatay maging nurse lng no. Eh sila yun… eh bkt ikaw? Yoko pa mamatay no! hehehe

Ang gulo talaga ng isipan ko kung minsan… ay hindi pala, madalas magulo ang isip ko lalo na kung ang pangunahing topic of diskusyones ay ang aking buhay karera.
Uy, teka baka isipin nyo isa kong malaking damuho na dakilang tambay simula’t sapul. Hindi naman po. FYI, naranasan ko na rin namang kumita ng pera, maliit at malaki man, pesos at dolyar na rin naman. Naging kasama na rin naman ako sa statistics ng mga pinoy na employed taong 2003-2005 at naging ulirang OFW taong 2005-2006 rin naman. Kaya kahit paano ay naranasan ko na ang buhay propesyonal (daw). Ngunit sa kasalukuyan, mas pinili ko at ng pagkakataon na rin naman na maging dakilang unemployed at hauswife muna sa loob ng mahigit 2 taon lang naman (ehehe). At bakit naman kaya? Aba malay ko…

Kring.kring. Hello ma, natangap mo na b yun pinadala ko sa banko? Oo, kulang pa nga kz ang baba ng dollar ngyon. Ay ganun b, cge magpapadala nlng uli ako. (sbay tingin sa wallet kong wala na ni isang singkong duling) patay kang bata ka! tsktsk

Wala naman akong pinagsisisihan sa mga nagging desisyong pang karera ko. Ang sa katunayan nyan, lahat ng mga nangyari at nangyayari sa aking buhay propesyunal ay aking pinagpapasalamat kay Lord. At bakit? natural, ako’y natuto sa mga buhay2 at lalong napapalapit sa kanya… simple lang naman yun di ba…

Bby, kaw na muna mag aply sa abroad. Bkt namn po? Mailap ata ang swerte ko ngayon eh. Ano ka ba, kala mo lng yun… kala ko lng ba? Eh ikaw ano akala mo? Maling akala… hehehe.. gulo mo bby…”

Kaya ngayon ito ako at nagpapaka dalubhasa sa pag bla-blog, past time ika nga nila. Minsan iniisip ko maging writer na lang o kaya mag aral ng baking at magtayo ng bakeshop, o kaya ibenta na lang ang lahat ng lupain (echos) para may datung. Minsan iniisip ko rin naman na maghanap ng ibang trabaho maliban sa pagiging nars, lalo na ang hirap makabalik sa mga hospitals ngayon at mas lalo mahirap lumabas ng bansa ngayon. Hayz. Ang daming yumayaya na magturo ako at maging clinical instructor (ganda sa tenga no) o dili kaya’y humarap sa computer, magsalita ng inglish na may twang sa headset at maging colgrl (hhm, pwede laki rin sahod at petiks2 lang pero yoko nga – no offense), o kaya naman mag volunteer nurse na lang muna (pwede rin kng ganun ako kadakilang pinoy, pero nde eh). pero ang malaking katanungan na nanaiig sa akin ay hindi ang laki ng sweldo o benepisyo o ang klase ng trabaho kundi ang tanong na --- magiging maligaya ba ako doon?!

Ika nga ni fafa piolo ko, I want to be… complete. Actually, complete naman ako… ala kulang sa katawan, sa pag iisip lang siguro meron. Hehehe.. complete rin ang pamilya ko, complete na rin ang puso ko. Siguro lang nde pa ko complete sa puntong karera sa ngayon… hindi pa iyun binabalato ni Lord. Sbi nga nila you cant have everything in just a snap! pero minsan nasasagi sa isipan ko na baka ito naman siguro ang plano ni Lord sa ngayon sa akin… hay life nga naman… kaya ikampay at sabihin… 2b or tutubi!
---atribi

2 comments:

  1. HAHAHA..... kudos!... nakakatuwa mga kwento mayora...

    ReplyDelete
  2. @ reyane- salamat! dahil napapatawa at naaliw ka sa mga kabaliwang paglalahad ko ng mga buhay-buhay!

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito