20 May 2009

oi, oi, oil...

Kahapon napanuod ko sa balita ang isang mamang naka floral polo at naghihimutok na wari animo’y Diyos ng kalawakan ng kapaligiran. Lumalaki ang butas ng kanyang ilong habang nagpapaliwanag at galit na galit na hinahamon ang alkalde ng Maynila na ipasara na ang mga oil depot diyan sa Pandacan na sumisira sa Ilog Pasig. Matapos nito, na interbyu ang isang bise alkalde ng lungsod na laking Tondo, at sinabi niyang maging totoo ang mamang naka polo at huwag magmagaling sa pwesto!

Palakpak para sa mamang actor na galing Tondo. Talaga naman ang kapal naman ng mukha niyang si mamang floral polo at maghugas kamay pa. Gayong napakatagal niya sa Maynila bilang mayor at hindi niya napatanggal ang mga oil depot jan sa Pandacan. Ngayong porke kawani na siya ng kalikasan ay kala mo kung sino siyang “diyos” na malinis. Eh di kung totoong concerned government figure siya sa Inang Kalikasan at sa paglilinis at pagsalba ng Ilog Pasig, ay nungka pa, ay pinatanggal na niya ang mga gahiganteng oil depot diyan sa Pandacan noong siya pa any napakatagal na nakaupo bilang akalde ng Maynila! Di ba?!?

Heto lang ha! Sumagi ba sa isipan ninyo lalo na ng mga Manileno kung bakit naubos ang mga hayop diyan sa Manila Zoo noong panahon pa ni mamang floral polo?!? Aba’y teka, pumunta kaya tayo at duon mag field trip sa bahay ni Kuya matanglawin at duon mo malalaman kung bakit wala ng laman ang dati’y napakasiglang Manila Zoo. Ito ang halimbawa ng sadyang nilamon ng korupsyon at maduming bulok na sistema ng gobyerno!

Ang sa akin lamang, wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa. Dahil sa totoo lang, sa panahon ni mamang floral at sa panahon ngayon ni dirty harry ay wala pa naman akong nakikitang asenso sa Maynila.

Ang sadyang kinakukulo lamang ng aking dugo’t apdo ay ang mga pamumulitika ng mga pisting yawang mga pulitiko na ito! Amp! Tama na baka lumabas pa ang pagiging atribi ko! Bow…
---atribi

3 comments:

  1. galit na galit ang mayora.sinong nang-away sa kanya?

    hndi ko pa ata nakita yung news na yun pero sa sinabi mo nakakabwisit nga yung lito atienza na yun!buti pa si kuya kim matanglawin!

    ReplyDelete
  2. easy...easy..easy...

    kaw naman di ka an nasanay sa mga yan...

    ReplyDelete
  3. @hari ng sablay- ay naku, kuya kz naman nkakainis tlga sana nkita mo sa news yun. ang kapal muks tlga! hayz...

    @tonio- inhale exhale inhale exhale... tama na nga, masasayang lang ang katarayan ko sa kanila. hehehe

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito