21 May 2009

"my -o- mah"

"Nakilala kita halos 2 taon na, maliit ka pa noon. Cute pa! Sadyang pinagtagpo tayo ng mapaglarong pagkakataon. Noong una kitang nakita, ako’y nagulat at napatinggin lamang at nagsambit ng maikling dasal kay Bro. Sabi nila hindi naman daw natin kailangan magkahiwalay sapagkat nde ka naman abala sa aking buhay. Kaya naman pinabayaan lamang kita diyan sa isang tabi. Pinagmasdan at hinayaan na lumaki ng unti-unti.

Hanggang noong mga nakalipas na buwan, tila ako’y iyong sinasaktan at unti unting pinahihirapan. Tinatakot mo rin ako na baka isang araw ay makita ko na lamang na duguan kong bahay bata. Napakasakit at nakakatakot. Bakit mo ko pinagtaksilan?!?

Humingi ako ng tulong at ang konklusyon ay hahantong sa ating paghihiwalay. Ngayon talagang kailangan na nating maghiwalay, habambuhay. Kasi malaki ka na daw at baka maging sagabal sa aking kapalaran bilang isang ina.

Sampung araw mula ngayon, tayong dalawa sabay na magpapaalam sa isa’t isa. Ikaw na makakaranas ng talim ng instrumento at ako nama’y kakapit sa lakas ng loob at tiwala sa aking mangagamot. Matapos nun, tayo’y magkikita muli pero ikaw ay wala na sa aking sinapupunan sapagkat ikaw ay pumanaw na sa loob ng bote ng medisina
. Paalam sayo!"

(ito ay si mayora kausap ang kanyang myoma bwahahaha)
---atribi

7 comments:

  1. ano myoma?intsik ba yun o hapon?dko lam eh,dpa nagkaroon ng gnun.lols

    ReplyDelete
  2. Am sure you have a very capable doctor and everything will turn out well. : )

    ReplyDelete
  3. sakit po ba yun?

    well get well soon...

    ReplyDelete
  4. @hari ng sablay- naku kuya, nde ka talaga magkakaroon nun unless magpa sex change ka lol

    @Angel- tnx! talagang naghanap ako ng specialista na ob-gyne para lang jan hahaha...

    @tonio- nde naman tlga sakit, slight lang. hehehe.. salamat!

    ReplyDelete
  5. Mabuti naman sis. at maghihiwalay na rin kayo. Wish u well!

    ReplyDelete
  6. akala ko love story, hehe!

    ReplyDelete
  7. @Bingkay- tnx sis...sa wakas rin maghihiwalay na kmi! hehehe

    @jelai- ang kulit no?! hehehe... slamat sa pagdalaw...

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito