25 May 2009

xmen

Kahapon habang napakatindi ng init ng hapon, tumunog ang aking luray-luray na celfone. Nakakatuwa ang mensaheng aking natanggap galing sa isang payasong kaibigan.

“Hirit ng bitter na ex… so, what kung may chemistry kayo!...
Bukod sa may history tayo eh
I know your anatomy!” Asteeg….


Napahagikgik ako. Aba, trulala! Paano mo nga naman ba makakalimutan ang mga xmen ng buhay mo gayong parte na sila ng iyong nakaraan. Sabi nga nila hindi ka makakarating sa iyong paroroonan kung hindi ka marunong lumingon sa iyong pinanggalingan. Tumpak! Kaya ako’y lilingon lamang at hindi na babalik. Lingon lang naman diba…

Kaya ako’y napaisip kung sinu-sino ang nagging xmen ng aking nakaraang buhay kabataan… Cno ba si Cyclops, Wolverine at Professor X ng nakaraan? At bakit silang karakter ang naisip ko? Kasi sila lang ang kilala ko! hahaha

Sino ba ang pwede nating tawaging Cylops?! Ito ang mga xmen na nagbigay ng matinding liwanag na makukuha ka lamang sa isang tinggin. Tila parang nanlilisik na mga mata na parang apoy na masarap paglaruan. Masarap ang bawal sabi nga nila. Ngunit darating ang araw na ika’y masisilaw rin sa kanyang mapangahas na mga tinggin at apoy--- mapapaso ang mapaglaro mong puso at mamamatay.

Eh paano naman ang mga Wolverine?! Ito naman ay ang tipong kahit masugatan ay dali daling humihilom agad. Kaya naman kahit anumang sakit o sarap na iyong maramdaman ay paulit-ulit mo pa rin itong babalikan kasi nga masokista ka este kasi nga bilib ka sa mga super powers nya at charisma nya. Pero kaya mo bang tiisin ang mga matatalim niyang kuko na unti-unting dinudurog ang iyong puso!

Ang huli ay ang Professor X—ang mastermind mentor. Siya ang nagturo sayo ng lahat lahat. Siya ang nagbigay sayo ng matitinding leksyon sa buhay buhay mo. Nagbigay ng knowledge, skills and attitude ika nga nila. Maaaring siya ang una o huli mo… maari rin naman na hinde. Pero kung pang ilan man xia sa listahan mo eh siya ang pinaka sa pinaka sa lahat. Kasi nga sa kanya ka nakaasam ng langit at impiyerno! Tsuk!
Kaya ikaw sino ang xmen ng buhay mo?!?
Kasi ako Justice League ang gusto ko eh. bwahahahaha

---atribi

5 comments:

  1. ako si gambit. dahil magaling mgsugal dadami pera namin,hehe

    basta mga nging ex ko ok naman pghihiwalay namin walang biterness chorva,hehe mutual naman kasi

    ReplyDelete
  2. @hari ng sablay- ay oo kuya, nkalimutan ko yang si gambit ha... sugal sa pag ibig! ngakngakngak. hehehe... mabuti naman at ok kyo ng mga xmen mo, no bitterness at grudges... mas maganda nga yun...

    ReplyDelete
  3. Parang lahat ng X-Men na yan ay nasa isang ex ko lang! Pakshet! Wahaha! :D

    ReplyDelete
  4. pwede bang ol op di abab? tapos saka nalang pumili, collect and then select ba aheheheks... at sa ex naman e wala pa kasi akong ex, bata pa kaya ako, sama mo pa strict parents ko... nyak... hahahaha

    ReplyDelete
  5. @Angel-nku sis, paleho tyo, lahat yan nsa mga xmen ko hahaha...

    @Rhodey-uhm pwede nman yan, gawin mo lng aparador sa umpisa, colect den select tapos pag nangupas na itapon o kya pag nagsawa itabi muna... hehehe...

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito