17 May 2009

mismo!


Naintriga ako sa commercial ng “Ako Mismo” lalo na’t napakaraming sikat na artista at personalidad ang kasali sa adbokasiyang ito. At natuwa ako sa dog tag nila. Kaya naman nag log in ako sa kanilang website. At nagbabakasakaling makakakuha ako ng libreng necklace na iyon. hehehe
Ito ang tumambad sa akin…

“Ako mismo (ano ang gagawin mo) (submit)…”


Bigla ako napatigil. Kung tutuusin, napakasimpleng tanong lamang nito. Napakamot ako. Sinabi ko sa sarili ko, asan na yun libreng dog tag. Kailangan ko ba sagutin ito. Hmm, napa isip tuloy ako kahit wala akong isip. Tapos nahirapan ako sagutin. Kaya naman ako’y nandaya at sumilip sa mga sinagot ng ibang kapwa Pinoy natin. Ilan sa mga sagot ay halos magkakaparehas lamang ng ideya, iba’t ibang paraan lamang ng pagkakalahad ng kanilang nais mangyari. May English at Tagalog version. Pagandaan ng palabok na salita. Naku, inay ko po! Pagalingan ata sa QnA ito ha, talo na ko dito. Hehehe. Sinarado ko na ang webpage. Sayang yun dog chain ha, yun pla nde naman pla pinamimigay iyon. Sbi pa nga sa balita, gagamitin daw iyon sa kampanya sa eleksyon. Aba, MA at PA! toinks!

Pero bigla ako may napagtanto…Minsan iniisip ko na madami tayong pwedeng gawin para sa ating Bayang Pinas upang mai-ahon natin ito sa pagkakalubog sa kahirapan. Minsan rin naman kung tinatamaan ako ng pagiging pasaway, ay nakikibit balikat laman ako sa mga usaping bayan. Ngunit subalit datapwat, anuman ang mangyari ay nand2 ka sa pilipinas at Pinoy ka na dapat makialam. At saka sabi pa nga nila, “u can do so little”. Pero sa tinggin ko, wala sa liit or laki ng “social duty” natin bilang Pinoy iyon. Ang pinakamahalaga ay kung kikilos ka in your own little way para makatulong sa pag asenso or pag ginhawa ng iyong buhay o buhay man ng iyong kapwa.

Kaya naman 1 taon mula ngayon magkakaroon na naman ng bagong kabanata sa pahina na ating kasaysayan. Dahil sa darating na 2010, maghahalal na naman tyo ng panggulo este pangulo ng Republika ng Pinas. Para sa marami isa itong oportunidad na bumoto at gawin ang kanilang social responsibilidad sa ating naghihinggalong Inang bayang Pilipinas. Para rin naman sa iba, ito’y isang malaking kahibangan at kalokohan lamang sapagkat hindi na sila umaasa pa sa ating gobyerno, maging sino man ang nakaluklok. Ngunit ang inyong likod, kahit na nde naniniwala sa bulok na sistema ng ating gobyerno, kahit na wala pa ko napipisil na karapat-dapat sa mga posisyon sa gobyerno, kahit na puro trapo sa sistemang bulok at kahit na kakarampot na lang ang pag-asa sa Pinas ay boboto pa rin. At vaket ka mo?! Sapagkat ito ay isang karapatang dapat natin gawin bilang isang tunay na Pinoy. Sabi nga nila, 1 vote matters. Boto mo ay mahalaga, maniwala ka man o hinde. Kahit papaano, kahit sa mumunting paraan na ito napapakita natin ang ating pagmamalasakit sa ating bayang sinilangan.

Kaya nga ikaw mismo… ako mismo… tyo mismo… ano ang gagawin mo para sa Inang Bayan
Ahem. Ahem. Excuse me po, nagtatanong lamang! hehehe

---atribi

9 comments:

  1. ako mismo ay ntatawa sa ibang mga comitments dyan,ung iba pasaway saka mahahalay pa,hahaha ngsignup din kasi ako dyan.

    tama.kylangan nating bumoto,para mabilang tayo,saka ansarap kaya makigulo sa mga presinto at eskwelahan.hahaha

    ReplyDelete
  2. @hari ng sablay- diba nga nakakatuwa ang mga testimonials nila dun. tama ka, masarap bumoto kz nakakaaliw na manggulo sa mga presinto lalo na kung nde mo makita ang pangalan mo sa listahan at naliligaw-ligaw ka ng klasrum

    ReplyDelete
  3. ako din sumali dito pero hindi ko alam kung bakit ako sumali, siguro nga dahil sa maganda yung dog tag nila aheheheks....

    ReplyDelete
  4. hays wala din po akong nakuhang dog tag.
    hahaha. .

    sabi nga ni rustom padilla sa ako mismo

    ako mismo "nakain ng sarili ko tam**"

    ReplyDelete
  5. Do you want to earn extra cash? Earn $6 and more after you sign up. Just Click Here

    ReplyDelete
  6. sana lahat ng tao lalalong lano na ang mga kabataan ay magkaroon ng malaking papel na hindi minamalait sa pag pili ng karapatdapat sa 2010 election.

    ako mismo boboto dahil alam kong importante ang isa kong boto...

    salamat napadaan lang po..

    ReplyDelete
  7. @Rhodey- ayun ang una kong purpose kung bakt ko gus2 sumali.. hehehe...

    @Pablong Pabling- kya nga nde naman nila ata pinamimigay ang dog tag. hehehe

    @livingstain- sna lahat ng pinoy nde lng kabataan ay mamulat na mahalaga ang kanyang isang boto, kahit san man nila tignan na anggulo...

    sa nyong 3, slamat sa pagdaan....

    ReplyDelete
  8. gusto ko din ng dogtag eh. sabi sa FAQs dun.. irerelease daw nila soon.. ewan ko lang..

    ReplyDelete
  9. @chiklets- oo nga, yun rin ang sabi-sabi. pero sabi rin nila may bayad daw yun dog tag. hahaha... abangan nlng natin! slamat sa pagdaan...

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito