03 June 2009

baha at traffic

"Pumapatak na naman ang ulan..." Henaku, tag ulan na naman!
Baha at traffic ang sasalubong sa isang Juan Dela Cruz sa Pinas pag pumapatak na naman ang ulan sa Kamaynilaan. At bakit nga ba kasi ganito na lamang palagi nangyayari?!

Halos 4 na oras kami napirme sa kahabaan ng EDSA noong weekend kaya naman ako’y napakamot at tumunganga na lamang habang pinagmamasdan ang baha at traffic na bumungad sa amin galing sa NLEX.

Ano bang ginagawa ng gobyerno natin upang bigyang solusyon ang talamak na problemang ito sa ating mga kalsada. Hindi na nila ito magawan ng permanenteng solusyon. Basura dito at doon ang mga bumabara sa mga drainage. Isa yan sa mga tinuturong salarin ng mga baha sa Kamaynilaan. Kabilang na rin dito ang mga dami ng sasakyan sa kalsada at mga re-routing schemes ng MMDA na sadyang nagdadagdag pa sa paglala ng trapiko sa Kamaynilaan. Nandiyan na rin ang hindi pagbibigyan sa batas trapiko ng mainitin at atat na Pinoy drayber. Sadya nga na madaming pwedeng ituro na ugat ng problemang ito. Ngunit, subalit, datapwat… ito ang aking pananaw…

Ang isang malaking tanong sa aking walang laman na utak ay-- Nasaan na ang mga pinagmamalaking proyekto ng gobyerno tulad ng relokasyon ng mga eskwater sa mga estero, declogging ng mga kalsada at mga kung anu-ano pang traffic schemes ng bayani ng MMDA na iyan ha…

Aba namam… Gising! Gising! Amp, tag ulan na naman hoy! Palagi na lamang bang baha at traffic! Yun lang. tsktsktsk
---atribi

4 comments:

  1. Hay naku kasi inuuna ang CHACHA ng mga hinayupak na congressista at ang iba naman ay nakatuon na sa pagkakampanya for 2010 elections.. :)

    ReplyDelete
  2. yung pangakong mga yun matagal ng napako.hehe ang dapat nalang natin gawin magbaon ng kapote at botas okaya madala ng sariling bangka,lols

    ReplyDelete
  3. you know, we can't trust our government. marami kasing kurakot. the money that should be spent on certain projects goes to the pockets of the gov't. officials..

    bad political system.

    ReplyDelete
  4. @Homer- henaku, sinabi mo pa, nkaka hiblod ang con-ass na sinusulong ng mga pesteng congresman na iyan...

    @hari ng sablay- korak, dapat sa mga pinoy may extra bangka or motor boat nalng tuwing tag ulan

    @algene- agree.. bad political system. henaku. tsktsktsk

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito