30 June 2009

"hu-wedin"

Hunyo na naman panahon ng mga kasalan. Pero mayroon akong nabasa nagsasaad ng isang survey: 44.9% civil ceremony versus 37.1% church wedding. Iyan daw ang statistic ng mga Pinoy na nagpapakasal sa huwes at simbahan. Bakit nga ba ganito na ang nagiging “trend” ng mga taong nais magpasakal este kasal. Madaming factor ang pwede nating tingan dito. Marahil ang unang una dahilan na ibibigay sayo ay pang pinansyal na rason. Hindi rin naman kasi biro ang magpakasal sa simbahan. Kahit sabihin mo na pinaka simple pa ang gusto mo ay gagastos ka sa panahon ngayon na hindi bababa sa isang daang libong piso ikumpara mo nga naman sa halos limang daang piso sa huwes. Pati pa meron rin mga libreng kasalan sa ibang mga munisipyo. Bakit kaya ang simbahang Katolika hindi magkaroon ng mga libreng mass weddings? Meron man ay bilang lamang.

Sino ba naman ang ayaw lumakad at humarap sa altar kasama ang iyong sinisinta. Lahat naman ata ng kababaihan ay ito ang pangarap. Ngunit sa panahong taghirap at praktikal? Saan ka kakapit diba? Mas pipiliin mo ba na magsama na lamang or may legalidad man lang? Sabi nila nde daw pinagpapala ang samahang hindi nabasbasan ng simbahan. Pero para sa akin, hindi pagpapalain ang samahang walang pagmamahalan at tiwala sa isa’t-isa at nde sentro si Bro ng kanilang buhay.

Napaisip lang tuloy ako, ano ba ang mas mahalaga--- ang salitang “wedding” o “marriage”?!? Kayo, ano sa tinggin nyo? (nagtatanong lamang)
---atribi

4 comments:

  1. naku sensya na ndi ko lam ang sagot di pa naman kasi ako kinakasal,

    pero pag ikakasal ako kahit mahirap ang buhay gusto ko bongga...

    ang reception cgro sa jolibee,tas ninong at ninang lang ang pwdng kumain,lols

    pro seryoso gusto ko bongga...parang regalo ko na din sa mgiging misis ko yun. ;)

    ReplyDelete
  2. ikakasal ka ba? hehe.

    ang sagot ko..hmm.. marriage siguro. tama ka naman. basta nasa sentro si Lord ayos na ayos na :D

    ReplyDelete
  3. @hari ng sablay- napaka swerte naman ng iyong magiging bride... naks nmn... pero malas yun mga bisita, magugutom cla hehehe....

    @chikletz- nku sis, matanggal na ko misis. hehehe.. and wat i hav isnt only a wedding but a beautiful marriage naks.. hehehe

    ReplyDelete
  4. hmmmm.... thanks for sharing these info mayora..

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito