10 June 2009

anak ng tipaklong!

Kaninang umaga habang papunta ko sa ospital para magpa check up at tinatahak ang kahabaan ng Ortigas Avenue ay ito ang sumambulat sa akin:


Isang puti at mahabang coupon bond na mainit init pa halatang galing sa Xerox machine ang pinamimigay ng isang batang lalaking paslit na halata naming napag utusan lamang ng kung sinong Poncio Pilato diyan.

Sino naman kaya ang may utak ng mga ganitong churvaness. Malay ko! Basta ang alam ko sadyang nakakapang init ito ng ulo sa umagang dapat ay kay ganda!

Nag aksaya ng papel at malamang ay nagtapon ng pondo ng gobyerno ang may pakana nito. Kung mababasa mo ito, sa una, matutuwa ka sapagkat nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa matinding AH1N1 virus na kumakalat na rin dito sa Pinas. Masasabi mong very informative. Pero subalit, datapwat, sa huli sumundot na isang matinding hirit na tila masasambit mo na lamang ay “AMP!” Sa totoo lang, pasikot sikot pa ang mga sinabi at wari’y ginagawa pa tayong tanga sa gusto nilang ipahiwatig. At ang bottom line lang pala, at sa bottom nga siya nakasulat, ay ang huwag pagdalo sa CON ASS rally sa Makati ngayon! Tinakot pa ang mga tao sa paggamit ng isyu ng isang makamandag na virus. Na kung tutuusin ay mas makamandang pa ang mga ugali at sistema ng ating bulok na gobyerno na sadyang papatay sa isang Juan Dela Cruz.

Aysusme! Ke aga-aga ay ganitong klaseng bulok na pauso ang ipapamuka sayo ng mga p***g*** na mga hinayupak at baluktot na alagad ng mga demonyong pulitikong iyan… Anak ng libong tipaklong nga naman, san ba tayo pupulutin kung ganitong sistema ang umiiral sa ating gobyerno! Henaku, nakaka high blood talaga…
Yung lang...

---atribi

9 comments:

  1. o ec ec hayaan na sila gnyan talaga...

    teka sino ba mga yan? eh anak ng tokwa naman pala eh krapatn ntin yun bt nila pnipigilan ang mga bwiset na put***** mga yon na mga lokolokong mga walanghiya,

    ReplyDelete
  2. @hari ng sablay- di ba naman nakakapang init ng ulo kuya... mag hinayupak na iyon!.. henaku, enhale, ixhale, enhale, ixhale... ke hiblod...

    ReplyDelete
  3. aba! aba! aba!

    loko yung mga yun a...

    niyayaya nga ako ng mga dati kong kaklase na pumunta sa makati ngyon para sa anti conass na yan, gusto ko sana kaso alang bantay sa chikiting ko... pero sinusuportahan ko yang rally na yan... kakasawa na kasi ang sistema ngayon e..

    ReplyDelete
  4. pero parang succesfull ang ginagawang rally ngayon a? ...

    hay, dati wala akong pakialam pero ibang usapan na ito e, kailangan na nating makialam, parang nabuhay si marcos sa pamamagitan ni gloria...

    ang siste, edsa ang nagluklok sa kanya, hayyy...

    anak nang Tipaklong talaga...

    ReplyDelete
  5. @tonio- di ba naman... kundi sila mga damuho. ako rin, nde nkapunta pero sa munting paraan, sinsuportahan ko iyon...

    @Rhodey- tumpak ka jan. parang nag reincarnate kay si marcos sa katauhan ni gloria, mas worse pa nga ata. susme...

    ReplyDelete
  6. ang puso mo... hehe!
    hwag masyadong magalit.
    dadami lang ang wrikles...

    ReplyDelete
  7. @binobogart- kya nga eh.. susme... ang kilay ibaba at ang wrinkles... hehehe

    ReplyDelete
  8. Ay totoo, kahit anong bagay kung pwedeng ipulitika, pupulitikahin. Anak ng...

    ReplyDelete
  9. Early electioneering ang tawag diyan, kapatid. Hehehe...

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito