09 June 2009

"istar-istrak"

Bakit kaya tayong mga simpleng mamamayan, kapag nakakakita ng isang artista ay namamangha at tila nahihiya na lumapit?! Tayong mga Pinoy ay sadyang palaging “starstuck” sa mga showbiz personalities. Naalala ko tuloy ang isang malapit na kaibigan na minsang nagpakita sa amin ng kanyang mga koleksyon ng litrato kasama ang iba’t-ibang local artista. Nakakaaliw ang kanyang mga koleksyon na nagbibigay ligaya at ngiti sa kanya sa tuwing makikita ang mga ito. Noong nakalipas rin na 2 weeks, lumabas kami kasama ang isang family friend na celebrity. Nakakatuwa pagmasdan ang mga animo’y bubuyog na nahihiyang lumapit at makipag “picture picture”. Meron rin naming hindi mapakali at lumalayo na lamang at nakukuntento sa maikling sulyap.

Bakit nga ba ganito ang ating mga reaksyon sa tuwing makakasalamuha natin ang mga “showbiz personas” na mga iyan?!? Normal lang naman talaga ang mahiya, mawindang at maging starstruck kapag kaharap ang mga artista lalo na kung ito’y ating ini-idolo.

Pero siguro sa mga katulad ng inyong lingcod na mejo namulat ng maaga sa mundong “showbiz”, ay tila isang kibit balikat lamang ang mga ito sa akin. Para kasi sa akin, sila rin ay parang katulad natin. Karamihan sa kanila na wala pa sa utak ang kasikatan ay mga normal na tao rin na katulad natin. Mayaman, mahirap, masaya, malungkot etcetera etcetera. Mas mahirap pa ang kanilang buhay sapagkat ito ay “public property”.

Sabagay kanya-kanyang trip yan di ba?! Ikaw ba starstruck ka ba sa kanila?! (ahem, ako guilty d2 lalo na kung si fafa p or mga international celebs ang usapan.. hehehe)

Yun lng…
--atribi

8 comments:

  1. mahirap tlaga ang buhay naming mga artista.. hehe!!

    anyway, ewan ko but being a celebrity creates a status symbol kasi eh. If youre a celeb you're on top of the hierarchy. anyway wala ako pakialam sa mga artista since nagkamulat nako medyo, well siguro kung major fan talaga ako hehe!!

    ReplyDelete
  2. basta ang lab ko ngayon si santino at si bro aheheheks..

    ewan ko ba sa iba nating kababayan pero sa akin kasi parang wala lang, ginagampanan lang nila ang kanilang trabaho bilang mga entertainer at natural lang na hangaan sila dahil maganda ang kanilang paganap, pero ang idolohin sila? e ibang usapan na yan...

    pero trip nila yun e, lika hanap tayo nang iang trip aheheheks...

    ReplyDelete
  3. naunahan pala ako ni Homer akala ko pa naman akong una... aheheheks...

    ReplyDelete
  4. i don't go crazy over them. ayoko ngang pumunta ng mall pagmay mga artista eh. ang gugulo ng mga tao. ang ingay-ingay pa. simple lang naman kasi ang buhay ko.. isa lang akong simpleng tao. :)

    pero ha, i do appreciate them. kaya nga lang, hindi to the highest level kasi i believe na may kanya-kanya tayong lugar sa mundong ito. nagkataon nga lang na naging artista sila. *clap clap* for them..

    ReplyDelete
  5. ah... alam niyo ito lang mapapayo ko sa inyo ha... wag niyo kami masyadong pagkaguluhan pareho lang tayong tao. yun nga lang sikat kami at nakikita sa kung saan saan.

    inaamin ko mahirap ang sikat,pro pinili ko to pinili kong hindi maging pribado ang buhay ko, lols

    sensya na,nag-iilusyon lang,gawa-gawa ko lang yun.lols

    ReplyDelete
  6. kaya nga ba ayoko ng showbiz... wala nang privacy... lol

    ReplyDelete
  7. Wala pa kasi akong nakikitang artista eh T_T

    ReplyDelete
  8. @Homer- korek! sa lipunan natin parang status symbol nga ang pagiging artista kya siguro ganyan ang mga reaksyones ng mga tao di ba

    @Rhodey- tama ka jan! kung matutuwa ka sa kanilang pag ganap ay normal lng iyon pero ang gawing idolo sila dahil lamang duon ay ibang usapan na nga iyon. sbagay, kanya-kanyang trip nga iyon! hehehe... naunahan ka ni kuya homer sa komento! hehehe

    @algene- apir tyo jan sis! pareho tayo ayokong ayoko na pumupunta sa mall pag may mall shows ang mga tartits kz magulo diba...at sympre i also appreciate dem pero not really oggle on dem diba...

    @hari ng sablay-naku kuya, pinagkakaguluhan na nga ang iyong kasikatan oh... dami jan, dami mo paparazuu... echos!

    @an_indecent_mind- ako rin kya nga ayoko magpa discover eh.. echos lang! hehehe

    @Cayy Cayy- talaga? hmm, tignan mo yang si hari ng sablay. artistahin yan.. hehehe

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito