15 September 2009

"kuna, no muna?!?"


“Bakit wala ka pang anak?!” Iyan ang laging tanong sa akin ng mga kung sinu-sinong poncio pilato jan sa tabi-tabi. Kulang na lang eh idikdik sa face value mo na “baog ka ba or bakit ka pa ng asawa kung ayaw mo ng anak or cge ka baka kung kelan gus2 mo na eh nde na ibigay sa iyo?!” Kung pwede lang bang murahin sila at magtransform ako bilang isang super villain at i-vanish sila detech sa earth, matagal ko na sana ginawa iyon! Hmmp, hay buhay!!!

Sabi nila ang mga mag asawa daw na ayaw magka-anak ay madamot, takot sa responsibilidad, makasarili, makamundo (karera at pera) at kung anek anek pa. Sino ba ang mas madamot at irresponsible --- ang isang legal na mag asawa na naniniwala sa salitang family planning o ang isang magsing-irog na ang iniisip lamang ay ang panandaliang kaligayahan dala ng matinding kapusukan na maaaring magdulot ng panibagong yugto sa kanilang walang kamuwang-muwang na mundo. (excuse me po… paumanhin sa mga natatapakan…)

Isang katanungan lamang… tila baga, ang mga mag asawa sa panahon ngayon na walang anak ay mas pinagtataasan pa ng kilay kesa sa mga disgrasyadang pagbubuntis (excuse me po ulit). At bakit naman kaya ganun ang trato sa mga childless marriages either by choice or by nature?!? Dahil ba sa kulturang pang pamilya ng isang Pilipino?! Aba’y malay ko, pero para sa inyong abang lingkod… praktikal at malalim na personal reason ang hindi pa po namin sa ngayon (again take note: sa ngayon or maging sa bukas or maging never man- wa kayo care!) na maging isang ulirang ina’t ama...

Minsan kapag ako’y nagninilay-nilay sa ilalim ng bilog na buwan (kekelorki), tinatanong ko sa aking sarili na sadyang nde ba tlga para sa akin ang pagiging isang ina, kundi isang asawa lamang. O sadyang gusto ko lamang mabigyan ng maayos at disenteng kinabukasan ang aking magiging supling (again,disente nde ko sinabing magarbo) kaya naman ayoko pang tahakin ang landas na iyon. Madami na akong narinig na kuro-kuro at komentos de patatas, mga unsolicited yet demanding advice ng mga kung sinu-sinong tao. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Pero sa dinami-dami ng mga ito, alam ko na ang kasagutan at iyon ay nasa kaibuturan ng aking apdo este puso… ITS OUR OWN PERSONAL CHOICE (dnt you get it, gudamnit)

Bakit naman kasi napakaraming pakialamero at mga atribi (ako lang dapat-hehe) na tao sa earth na ito lalo na sa bansang Pilipinas... Kaya wala tayong asensyo at nde umunlad ng dahil sa ganitong klaseng bulok na mentalidad... Mind your own freaking shity business please...Di ba nga kung san ka masaya, suportahan taka?!?


Ngunit dala na rin na aking kalorkihan at pagiging atribi (tulad nyo) … isang pagtatanong lamang ang aking gustong ipahiwatig sa pangkalahatan, at ito ay:
“I I don’t have a child, would that make me a lesser woman/person?!?
And God wouldn’t allow me to enter His kingdom and i shall be burn in hell?!?”

Yun lng po...

(ps. Paumanhin po sa bugso ng matinding damdamin)

---atribi


8 comments:

  1. huwag mo nalang pansinin mga nkapaligid sa iyo,
    hindi lang nila alam ang plano mo sa buhay.
    basta think god always ok

    ReplyDelete
  2. may mga ganyang tao talaga na pakialamerong nagmamagaling at walang magawa sa buhay,hayaan mo sila wag kana lang paapekto,mas kilala mo sarili mo,

    ReplyDelete
  3. wa-care ka na lang din sa kanila. mag anak sila ng mag anak kung gusto nila.. haha! go girl!

    ReplyDelete
  4. sa tingin ko lang, since pumasok kayo sa buhay mag-asawa highly expected ng lahat na may plans na kayo na bumuo ng pamilya..

    pero, syempre personal choice and decision nyo yan... walang pakialamanan at walang basagan ng trip! wehe!

    ReplyDelete
  5. @JETTRO- slamat kuya, oo nga, god is good.. hehehe

    @hari ng sablay- korak!korak!korak! dedma, i vanish ko nlng cla ng magik powers ko! hehehe

    @chikletz- sis,korak. cla magpakalosyang sa kakaanak, bsta ko wa care hmmp... wag ka nmn mag hibernate muna, kung kelan kakabalik ko lng hehehe

    @an_indecent_mind- may punto ka jan kuya! tama walang basagan ng trip.. kanya2 yan db hehehe

    ReplyDelete
  6. Of course it doesn't make you less of a woman. Ako I want kids na rin. Sobra. Mahilig kasi talaga ko sa bata, and napapag-usapan na namin ng hubby-to-be ko about having our own, or not having our own in case I can't bear a child.

    It definitely won't be the end of the world. : )

    ReplyDelete
  7. awww... damang dama ko ang angst! ^_^

    tama si Haring Tambay! to each his own...

    ReplyDelete
  8. wag mo silang pakelaman..
    isipin mo nalang siguro yung gusto moo.. :-)

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito