10 June 2009

dats my dok, daw oh!

Bakit sadyang may mga doktor na bastos, hindi courteous at accommodating? Ilang beses na rin kasi ako nabibiktima ng mga ganitong klaseng mangagamot. Kaya nga tila ginagawa kong mall ang isang hospital o higit pa. Para ako nagsho-shopping ng mga doktor ng hindi lang magaling kundi mabuti, mabait, maayos kausap at higit sa lahat may puso. Yung tipo bang hindi lang mukhang cash ang tinggin sa iyo pagpasok mo sa kanila klinika. Yung tipong masasabi mo talagang aalagaan ka nila at makikinig sa mga hinaing at mga nararamdam mo. Kaya ka nga nagpunta ka sa kanila di ba?!

Naiintindihan ko rin naman ang mga doktor, dahil ako rin ay nasa medikal propesyones. Mahirap nga rin naman ang maging katulad nila. Sa haba-haba ng mga taon na kanilang ginugol sa pag aaral at sa mga dinami-rami rin ng kanilang mga responsibilidad. Kaya minsan, pilit ko na lamang iniintindi na baka naman madami sa kanila ay pagod na kaya nagmamadali.

Pero ang hindi ko lang matanggap ay yun ganitong eksena. Papasok ka sa loob ng klinika, nakasimangot o nde man lamang nagbibigay ng kahit katiting na oras o pansin sa iyo. Tapos, tinggin dito, tinggin jan. Swerte ka pa kung may pindot dito, pindot jan at least nag effort tumayo at tignan ang kung anuman ang iyong nirereklamo. Tapos lista sa reseta, tapos na! Lalabas ka ng klinik at masasabi mong, mas matagal pa ang pinila mo at hinintay sa kanya kesa ang pag konsulta sa loob ng kanyang klinika.

Kaya bilib talaga ko sa mga doktor na talagang may “patient care ethics”. Yung tipong mararamdaman mo na may compassion sila sa iyo at ikaw ay “in good hands”. Kaya nga ngayon, sa mga karamdaman ko sa kalusugan, ay swerteng naka shopping ako ng mga matitinong doktor na hindi lang henyo kundi may puso rin.

Kayo ba nakatagpo na kayo ng mga walang modong doktor na ganyan?! Hehehe… (excuse mo po…) Minsan naiisip ko na dapat ang mga klinika ng mga doktor ay may suggestion box para alam nila kung anong klaseng “public service” ang kanilang binibigay sa sangkatauhan di ba… After all, kesehodang private or public practice man sila, ay serbisyo pa rin sa tao ang kanilang binibigay.
--atribi

5 comments:

  1. Hindi pa naman.awa ng diyos.
    Minsan lang kasi ako magpadoktor.
    Mga 4 times ata.At sa iisang doctor lang ako nagpapacheck up, natatakot kasi ako sa ganyan.

    ReplyDelete
  2. @Cayy Cayy- naku, ka swerte mong bata at nd kp nakakaranas ng mga epal na doktor na ganyan. at wag mo ng asamin p! slamat sa pagdalaw

    ReplyDelete
  3. ewan ko... di ko madistinguish... iisa lang kasi tingin ko sa doktor, tatakutin ka lang lagi at pagbabawalan ng masasarap!

    kaya di ko trip magshopping sa hospital o clinics! wehehe!

    ReplyDelete
  4. @an_indecent_mind- korek, mahilig sila manakot at puro nalng bawal. bwal. bwal. hayz

    ReplyDelete
  5. Wala pa naman akong ganyang experience kasi hindi sila uubra sa walang tigil kong pagtatanong. Hahaha.

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito