09 July 2009

unfair daw oh!

Umagang txt ng isang kaibigan. Tila nagpapahiwatig ng mga pagmumuni-muni sa araw. Sabi nya sa txt, “Tama nga si Bob Ong… mahirap masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay mo.” Nakakatuwa nga naman diba, tila totoo nga… ano nga ba ang nakasanayan natin na pwede naman wala sa buhay natin? Mga luho sa buhay, malamang.


Ngayong umaga rin sa sermon ng pari sinabi niya na, “We should feel blessed despite the difficulties and trials that we are submerged into this life.” Simple lang ngunit rock ika nga nila. Hehehe Kanina rin may isang babae akong katabi at puro reklamo ang sinasabi kesyo ganito at kesyo ganyan. Mga simpleng bagay na ginagawang problema. At nagbitaw pa siya ng salitang, “ shocks, life is so kaka unfair!” (taray ng lola ko diba?!)

Minsan naiisip ko at kinikwestiyon ko ang mga nangyayari sa aking buhay karera o propesyonal, ngunit minsan mas nananaig ang pasasalamat kay Bro dahil sa napakaraming bagay. Tulad ng mga pagkakataon na matuto at mahulog, na kumakain pa rin ako ng halos labis sa tatlong beses sa isang araw, may maayos na bahay na tinutuluyan, may hinihigang kama sa malamig na gabi, may mga damit na sinusuot, may kaunting pera na pambili ng mga bagay2 at may pamilyang walang kupas na nagmamahal at sumusuporta. At ang buhay pa ko sa mga panahon na ito, humihinga at lumalaban sa mapaglarong guhit ng tadhana. Ang kahalagahan ng pamilya at pagmamahalan. At ang sinasabing peace of mind na hindi nabibili ng anuman at ng kung sino man. Minsan kasi hindi natin nakikita ang mga simpleng bagay na dapat natin ipagpasalamat at masabing,
"we're blessed!"

Hay buhay… ganyan tlga minsan nasa harapan mo na ang mga leksyon, kulang nalang ika’y batukan at sabunutan at sabihin ... hoy bruhilda, gising! hehehe

Kaya kyo (lalo na sa babaeng katabi ko knina hehehe), kung minsan nararamdaman nyo na “life is so unfair”, pumunta ka sa gabi sa kahabaan ng UN ave o kaya sa Baclaran at makikita mo ang napakaraming homeless na nakahiga sa malamig na kalsada, pumunta ka sa mental makikita mo ang madaming baliw na lalong nababaliw dahil walang pamilyang sumusuporta, dumalaw ka sa may mga sakit sa ospital na nag aagaw buhay, tignan mo ang buhay scavenger na nangangalakal para lamang makabili ng pagkain sa kumakalam nilang sikmura, o kahit sa simpleng lumabas ka lang sa kawalan ng mundo, --- magmasid, makinig, makiramdam at makikita mo na totoo na unfair ang buhay para sa kanila at masasabi mong,“ shocks, life isn’t unfair for you!


---atribi

9 comments:

  1. tama ka atribi, konti lang talaga ang nagsasabi ng "we're blessed". mas napupuna kasi natin ang ating buhay as "half empty" kaysa "half filled"

    nice post!

    ReplyDelete
  2. korek! tayong mga tao kasi hindi na nakukuntento sa kung anu meron tau sa buhay. kelangan laging nakakalamang. utak talaga o.. hehe.

    ReplyDelete
  3. ganda naman ng post mo,tama nga naman kasi minsan INGGIT ang umiiral sa atin. npakahilig nating ikumpara ang sarili natin sa ibang tao sa maling paraan.

    ReplyDelete
  4. oo nga naman..sadyang ganyan ang nature ng karamihan sa atin.

    ReplyDelete
  5. talagang ganAko ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope u read it..un ang iba..

    ReplyDelete
  6. tama tama tama tama *nodding.

    ReplyDelete
  7. uu. wak na tayong magreklamo weh.. sulitin nlng natin kung anong meron tayo ngeun..

    ReplyDelete
  8. di naman talaga nakukuntento ang tao, mahirap isipin pero kahit sno pwedeng gawin to.

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito