23 May 2009

hay na KHO!

Halos isang taon na ng lumabas ang isyu na mayroong sex video scandal ang mga hot seat sa news ngayon ngunit noong makalawa lamang talaga ito nilabas sa madlang people. Kaya naman ang mga chismax na sangkatauhan ay nagkagulo at wari'y nagpanic sa talamak na isyu ng mga sex scandals. Siguro mas naging interesante lamang ito at naging bigtime sa takilya ng news ay sapagkat mga local celebrity ang mga tauhan dito. Ika nga nila ang hayup at makamundong "hayden(hidden) cam" sex scandal.

Sa totoo lang, dapat talagang isulong na tanggalan ng lisensya iyang si Kho. Sapagkat ultimo ang alma mater nya ay kinasusuklaman siya at matagal na siyang “disowned”. Siya’y isang malaking kahihiyan sa medical profession. Sabi nga ng isang miyembro ng PMA sa isang panayam sa radio, hinde naman talaga daw nila kinokonsidera na kapitag-pitagan na doctor yang si Kho. Ngunit dahil nga naman daw ginagamit niya ang pangalan ng doctor at pasado bilang doctor ay parte sila ng isang propesyong kanyang dinudungisan. Kaya una sa lahat na dapat kumilos ay ang PMA at PRC sa pag tinggin kung talagang nilagbag nito ang code of ethics ng isang propesyon. Pero sabi-sabi ng ilang matatalim ang dila, tila may malakas na kapit na elemento itong si Kho. Pero ewan ko lang ngayon kung malagpasan niya ang bagsik ng Gabriela at ang Senado sa pangunguna ng nangigilaiting si Revilla kabilang na rin ang NBI/DOJ. Aynakupow!

Madaming anggulo ang tinitignan kung sino, saan at kung paano nakalabas ang ganitong video sa madlang people. Meron nagsasabing kapamilya mismo ni Belo ang naglabas dahil galit ito kay Hayden. Meron naman ang isyu ng fraternity wars na kinasasangkutan ni Hayden. Meron rin naman na mismong ang baluktot na utak ni Hayden daw ang pumayag na ipakalat ito. Napakadaming chismax ang pwedeng ikabit dito. Ngunit isa lamang talaga ang isyu dito--- ang paglalapastangan sa karapatang “privacy” ng isang tao particular na ng isang kawawa at walang kalaban-labang babae.

Ang sa kin lamang, madaming tao ang naapektuhan dito, lalo na ang mga kababaihang walang malay na nababoy ng isang walang puso at may sakit sa utak na tao o mga taong nagpakalat ng nasabing video.

Alam kong napasensitibong isyu ito. At wala ako sa lugar para manturo kung sino ang may kasalanan sa mga ganitong bagay-bagay. Ngunit isa lamang ang leksyon na pwede nating makuha mula rito. (Bukod sa mga makamundong gawin nila. Hehehe… joke lang po)

Ito ang aking natutunan….

Bilang isang Eba sa makamundong Adan na ating kinabibilangan, dapat tayong maging mapagmatyag sa ating mga kilos, gawa at kung anek-anek pa. Huwag gumawa ng isang bagay na balang araw ay ating pagsisisihan. Huwag rin magtiwala ng lubos sa mga taong hindi natin lubos kilala at baka tayo’y malinlang lamang sa bandang huli. At higit sa lahat, isa isip at maging sa puso palagi ang ating karapatang pantao at lalong-lalo na ang ating dignidad bilang kababaihan.

Nawa’y ang mga ganitong publicized and sensational news ay maging leksyon sa maraming Pinay sa ating mundong ginagalawan.
---atribi

6 comments:

  1. hay na kho, napanuod ko yung video, sa pananaw ko pareho silang may kasalan, si kho sa pagvi-vudeo ng mga di dapat ivideo, sa katrina sa pagpatol kay kho kahit na alam nyang link ito kay belo...

    ReplyDelete
  2. I've seen the videos and I really feel sorry for those poor women. At that time they didn't realize what a sick bastard they were with.

    Happy days are over for Hayden Kho.

    ReplyDelete
  3. Kawawang mga babae, at ang kani-kanilang mga mahal sa buhay na nadamay sa ekandalo't kahihiyan.

    Kung ba't pa kasi gumawa ng video...hay nakho! Sana nga matanggalan ng license yan at ng magsilbing aral sa iba.

    Yong may mga video jan..sirain niyo na bago pa umabot sa media..LOLZ!

    ReplyDelete
  4. @tonio- ganyan tlga ang life, nsa huli ang pagsisisi. eh sabi nga nila pag luv nagiging bobo ka at pag lust naman mas bobo ka hehehe joke

    @Angel- yeah, happy days are really over for the sick doc... hehehe

    @bingkay- sabi nga nila kanya-kanyang trip yan if nasa loob ka ng kwarto ang problema lang may ebidensya pla ng mga nagaganap sa loob ng kwarto kya ayan, nababoy! hayz..

    ReplyDelete
  5. ewan ko basta ako gagawan ko ng fans club si hayden kho,hehe biro lang yun cyempre. dati pa naman isyu ang sex video gnyan,pro bkit ngyon lang nagreact ang buong pinas dahil ba sikat yung biktima?

    ewan ko ha pro nakakaawa tayo yun lang msasabi ko...

    ReplyDelete
  6. @hari ng sablay- ay nku kuya, tama ka jan. napakatalamak na isyu na iyang mga sex vids scandal. ngayon lng sumikat at ano dahilan kz sikat ang mga kasabwat at kasi eleksyon kya madami sumasabit na pulitiko... hayz

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito