27 May 2009

do a "deebeedee" dum

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit datapwat malakas ang kampanya laban sa mga pirata eh patuloy pa rin ang paghatak nito sa takilya animo’y blockbuster na pelikula?!?

Ang tinuturong dahilan ng mga taga movie/music industry at OMB ay ang sambayanang Pilipino na tumatangkilik dito. Oo nga, it’s a given fact, na madaming simple at kawawang Juan Dela Cruz ang parokyano diyan sa Quiapo ng mga pirating deebeedee. Pero naiisip ba nila kung bakit? Simpleng sagot- kahirapan. Madaming Pinoy ang gustong maaliw ng kahit sa simpleng panonood ng sine at pakikinig ng musika. Pero kung sadyang napakamahal ng presyo ng sine na naglalaro sa 150-190/sine at mga music cd na 175-275/cd. Ipagkakait ba naman natin ito sa isang pobreng Juan Dela Cruz? Eh sa tinggin nyo ba kaya nila bumili ng ganitong kamahal na mga libangan. Ang dapat sa gobyerno ay gumawa ng paraan na maipa baba ang mga presyo ng sine at cd na kayang tangkilikin ng lahat ng lebel ng mamamayan.

Pero ang kinagugulat ko lamang ay noong nagpunta ako sa Quiapo ay isang police patrol ang sumambulat sa aking mga mata. Take note, hindi ito raid ha, pwamis! Pero nanduon lamang ang mga matutulis na pulis at nagbabantay at tila may hinihintay na grasya mula sa mga pirata. At duon ko nga nakita na isang supot na itim na puno ng deebeedee ang inabot kay mamang pulis at nde ko na alam ang sumunod pa...

So, paano na natin matitigil ang ganitong sistema?!? Ma at Pa.

Hindi ko sinasabing tama ang gawain ng mga pirating ito at hindi ko rin ito pino-promote. Ang sa akin lamang, tignan mabuti ang sitwasyon at huwag sisihin lahat sa mga parokyano nito. Tignan ang mga korupt na pulis na malakas ang tong at ang mga tauhan rin ng gobyernong tila malakas ang proteksyon sa mga pirating ito. Sadyang malala na talaga ang problemang ito ng mga pamimirata. Ewan ko kung anong klaseng himala ang dapat maganap, masugpo lamang ang kanser sa lipunan na ito. Pero for now… punta muna ko kay manong deebeedee… Joke lang po.
---atribi

7 comments:

  1. naku sinabi mo pa, kahit aling produkto kapag masyadong mataas ang presyo di kakayanin ni juan na bilhin yun, kaya minsan napipilitan na lang talagang kagatin yung mas mura kahit na pinirata lang...

    ReplyDelete
  2. Guilty ako dito mayora, lalo na pagdating sa mga TV series na I don't get to watch on a regular basis. :D

    Shempre sa hirap ng buhay ngayon, value for your money lang talaga hanap ng lahat. Sad but true.

    ReplyDelete
  3. ako din bumibili ng prated dvds and cds. tama ka. bakit nga ba nila pagkakait ang libangang ganito sa mahihirap.saka patas lang naman dba kasi malalabo ang mga pirated cds.pero yun nga lang ilegal nga.

    ReplyDelete
  4. korek ka jan mayora sa klase ng gobyerno natin paano nga naman eh sila nga mga magnanakaw sa kaban. Hindi ko masisisi ang mahihirap na gumagawa ng bawal para kumita, tulad ng mahirap na nagnanakaw, Ang nakaka buwisit yung mga milyonaryo na, nagnanakaw pa.

    ReplyDelete
  5. @tonio- tumpak ka tonio! ang mahihirap na juan ay walang choice kundi bumili ng mga pirata kht na bawal...

    @Angel- ako tlga sis, guilty as charged! hahaha... pareho pla tyo sa mga tv series na pirata. sympre nga value for money db

    @hari ng sablay- sbagay patas lng nmn kz nga mura tpos malabo pero madmi na rin mga clear copy at blue ray sa quiapo na debeedee... achehehe

    @Jettro- korak! korak! kung sila nga milyones ang ninanakaw sa kaban ng bayan eh tyo pang mga simpleng mamamamyan na ito lng ang libangan ay ipagkakait pa. hehehe

    ReplyDelete
  6. hehe. paminsan minsan ay bumibili rin tlga kami sa quiapo ng dvds kasi sobrang mamahal ng mga original copies. Practically speaking bakit mo bibilhin ang sobrang mahal kung meron namang mura at kasing ganda rin ng original diba?

    haays.. kahirapan nga naman ng pinas.

    nice post po pla ^_^

    ReplyDelete
  7. @Elay- korak! masydong mahal ang mga orig eh d kung gawin nilang mura iyon, ay tiyak madaming tatangkilik! pero sa hirap ng buhay ngayon kay manong deebeedee muna ang kawawang Pinoy!
    nga pla, salamat sa pagdalaw at komento... balik k ulit ha!hehehe

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito