14 May 2009

time warp

“Hahanap ako ng time machine!” may isang tao na nagsabi nyan sa akin. Naisip ko tuloy kung may time machine sa tabi ko ngayon saan kaya magandang maglakbay sa nakaraan. Magandang paglaruan ang inyong imahenasyon sa mga ganitong ideya, lalo na kung wala kang magawa sa buhay.

Kaya ako’y naaliw at naglaro sa aking baliw na isipan kung san ako pupunta…Nakaisip ako ng tatlong panahon kung san ako mag time warp. Ito ang mga taong 1987, 1999 at 2003.

1987- Baka sakaling pwede kong balikan ang aking inosenteng pagkabata kung saan masaya at buo pa ang aking pamilya. Naririnig ko si papa na kumakanta at nakikita ko si mama na naglilinis ng mumunti naming bahay. Sabay-sabay kaming kakain ng hapunan. Puno ng tawanan at kwentuhan Puro ngiti, walang luha. Puro saya, walang pasakit. Isang larawan ng buo, kumpleto at masayang tahanan. Si papa, si mama, ako na ate at si bunso. Kami lang, wala ng iba. Kami lang walang ibang eeksena. Kami na buong pamilya. Dun ko i-frefreeze ang scene sa time machine ko. Dun lang at wala ng ibang scene na kasunod. Mas magandang maiwan sa mga alaala ko ang litratong iyon na buo ang aking pamilya. Mas masarap balikan ang nakaraan ng masaya at nde puno ng pighati at kalungkutan. Warp!

1999- Ito ang panahon na una kong naranasan ang salitang “love”. Sa dinami-rami ng “past love/relationships” ko, dito ko nais bumalik. At bakit naman?! Natural dahil dito nagsimula ang lahat. Ito ang nagbukas sa aking mundo. Ayan, nakikita ko na xia nakatambay sa tinoko park, nag aantay sa akin tuwing umaga, may dalang mcdo o jolibee breakfast meal. Kwentuhan, mag aaral, tawanan at ka sweetan. Isang larawan ng unang bugso ng pag-ibig. Mga bata pa kami at may gatas sa labi, na animo’y walang pakialam sa mundong nakapaligid sa kanila. Tapos biglang may malakas na bagyo, nasira ang napakagandang samahan. Basag na basag na mga puso. Puno na ng luha at pighati. Madami rin na tissue ang naubos at marami na rin ang mga masasamang salita ang nasabi. Napakaraming pasakit. Sunod, sunod, sunod. Parang walang katapusan. Napakasakit, kuya eddie! (ika nga nila) Freeze! Diyan ko ititigil ang warp ko. Kz gusto ko ulit mapagdaanan lahat lahat ng iyon na ukol sa mga relasyon. Madami ako natutunan dun, kya naman go ako na mag time warp dun sa mga panahon na iyon. Sapagkat kundi dahil dun, nde ko mararating ang panahong 2003 na susunod kong gustong balikan. Warp!

2003- Nadapa, nadulas, sumadsad. Lugmok sa kahayupan at pasakit ng mundong ito. Tapos biglang may dumating. Ayun xia, nakatayo lng na parang tanga at walang sinabi na lalaki. Mukhang lolokohin lang ako nito, yun ang una kong impression sa kanya. Isa na namn ito sa napakaraming kalokohan sa isyung puso. Kya nagdasal ako kay Bro. nung mga panahon na iyon sbi ko, “Lord, bka joke time na naman ito ha. Gimme me a sign kung xia na nga and go go go ako!” Tpos parang bigla nlng akong binatukan ni Bro. At tinignan ko ulit yun lalaki: "simple lng, payat, mukhang drug adik at manyak, mukhang wala akong future dito, short jowa lng ito cgru" Ayan ang mga tumatakbo sa isip ko. Pero may bumubulong sa akin na iba eh at parang may magnet. Parang dinidikdik sa utak ko, “Subukan mo lng, malay mo, this is the one.” Kaya ayun, ang puso ko sumabak na naman sa giyera-patani ng pag ibig. Sbi ko dati try ko lang ibigay ¼ ng luv ko, tapos aba nagging ½ na, tapos one whole na, tapos sobra pa… sbi ko kay Bro, “Promising ito ha. Dis is it na b, Lord?!”. Tpos, ayun…Parang anghel na binaba ni Lord d2 sa Earth at inutusan na isalba ko sa aking pagkalubog. Parang answered prayer!!! Naks. Isang nilalang na handang magmahal at handang tanggapin ako, kung sino man ako.. buong-buo, walang labis walang kulang. Ako mismo. Hinawakan nun lalaki ang kamay ko matapos kong magkamali at sinabing, “mahal kita at walang iwanan.”
BOOM! ang bilis ng takbo ng time machine. Nde ko na maihinto. 2003.2004.2005.2006.2007.2008…. hanggang sumabog na…
Kya hanggang ngayon nde nga nya ko iniwan at iiwan… noon, ngayon at magpakailanman. Aww, ang sweeeetttt! hehehe

Sbi nga nila, past is past. Mga figments of old memories na lng ang past. Ang meron ka ay ngayon. kahit na may mga taong madaming wat ifs… normal lng naman iyon db, normal lng na may mga bagay-bagay at pangyayari sa buhay natin, na tyo ay naghihinayang at pinagsisisihan. Pero kaht sbhin man nila na “kng maibabalik ko lng”… pero nde mo na nga maibabalik diba?! Kya it will all remain in d past… past na nagbigay sayo ng mga magaganda at pangit na alaala na xiang nagbigay sayo ng mga mahahalagang leksyon sa buhay.

Mas magiging bonggang bongga ang life mo ngayon kung natuto ka sa iyong nakaraan. At ang mga nakaraan na iyon ang nagdala sayo sa estado ng buhay mo ngayon at sa bukas man. Bow.

Pero, again, for fun…
Kayo san kayo pupunta kung may time machine kyo?!? hehehe
---atribi

3 comments:

  1. aawww aaliw naman nitong post mo,ngenjoy ako sa pagbabasa, in short gusto mong puntahan ang mga panahong nakangiti ang puso mo,sabagay sino ba namang hindi dba.

    kung ako ganun din,kung saan tahimik at maayos ang lahat.

    ReplyDelete
  2. Hello! Enjoyed reading this post. Ü

    If I had a time machine, I would go back to the time when I was still in high school because back then, all I really worried about was school and friends and crushes and the occasional heartache. I just want to be young and worry free again.

    ReplyDelete
  3. @ hari ng sablay- salamat! hindi ba mas magandang balikan ang mga masasayang alaala ng nakalipas na panahon...

    @ angel- salamat uli! masarap isipin ang mga panahong tayo'y bata pa at walang muwang sa mundong sadyang puno ng misteryo!

    ReplyDelete

mag-iwan ng komento dito